26.7 C
Batangas

Babaeng dadalaw sana sa live-in partner, kulong rin sa pagpupuslit ng shabu

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIPA City – KALABOSO na rin ang isang babaeng dadalaw lang sana sa kaniyang kinakasamang nakapiit sa Lipa City Jail matapos makuha sa kaniyang pag-iingat ang may 14 na pakete ng hinihinalang Shabu, Lunes ng gabi.

Nakilala ng otoridad ang inarestong si Michelle Natividad ng Lungsod na ito na dati nang nakulong sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 1992, ngunit nakalaya rin matapos sumailalim sa plea bargaining agreement.

Ayon kay Police Senior Inspector Nestor Balita, tagapagsalita ng Lipa City Police Station, dumaan sa routinary check ng jail guard ang mga dumadalaw sa mga inmates kung saan ay sinusuri ang mga dala-dalang gamit ng mga bisita ng preso.

Sa pag-tsek aniya sa gamit ni Natividad, tumambad sa pulis ang isang kaha ng sigarilyo na batbat ng packaging tape at nang ito’y buksan ay nakita ang may 14 na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang sa 10 gramo at street value na P25,000.00.

“Hindi ko po talaga alam yan. Kampante po ang loob ko na ang bag na isesearch po nila eh ibinigay ko agad sa kanila. Hindi ko po talaga alam yan eh,’ todo tangging pahayag ng inarestong si natividad.

Dahil sa pangyayari, deretso kulungan na rin si Natividad na ngayon ay nahaharap na sa panibagong kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 1992. Samantala, wala namang naging pahayag pa ang sana’y dadalawing live-in partner ni Natividad na si Ronel Plata na may kasong illegal gambling.|May ulat ni Ghadz Rodelas

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -