31 C
Batangas

Babaeng dadalaw sana sa live-in partner, kulong rin sa pagpupuslit ng shabu

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIPA City โ€“ KALABOSO na rin ang isang babaeng dadalaw lang sana sa kaniyang kinakasamang nakapiit sa Lipa City Jail matapos makuha sa kaniyang pag-iingat ang may 14 na pakete ng hinihinalang shabu, Lunes ng gabi.

Nakilala ng otoridad ang inarestong si Michelle Natividad ng Lungsod na ito na dati nang nakulong sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 1992, ngunit nakalaya rin matapos sumailalim sa plea bargaining agreement.

Ayon kay Police Senior Inspector Nestor Balita, tagapagsalita ng Lipa City Police Station, dumaan sa routinary check ng jail guard ang mga dumadalaw sa mga inmates kung saan ay sinusuri ang mga dala-dalang gamit ng mga bisita ng preso.

Sa pag-tsek aniya sa gamit ni Natividad, tumambad sa pulis ang isang kaha ng sigarilyo na batbat ng packaging tape at nang itoโ€™y buksan ay nakita ang may 14 na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang sa 10 gramo at street value na P25,000.00.

โ€œHindi ko po talaga alam yan. Kampante po ang loob ko na ang bag na isesearch po nila eh ibinigay ko agad sa kanila. Hindi ko po talaga alam yan eh,” todo tangging pahayag ng inarestong si Natividad.

Dahil sa pangyayari, deretso kulungan na rin si Natividad na ngayon ay nahaharap na sa panibagong kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 1992.

Samantala, wala namang naging pahayag pa ang sanaโ€™y dadalawing live-in partner ni Natividad na si Ronel Plata na may kasong illegal gambling.|May ulat ni Ghadz Rodelas

[Photo by Ghadz Rodelas]

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

LIPA City, Batangas โ€“ LIMA Estate, a key player in Southern Luzonโ€™s economicgrowth, has unveiled plans for a transformative 40-hectare expansion of its BIZ HUB, increasing Batangas' first master-planned business district to 70 hectares. This development, which sits within...
THE national government extended to Batangas various forms of aid amounting to over P170-million in a ceremony led by President Fewrdinand R. Marcos Jr., Thursday morning. The figure includes the P100,000 aid distributed by the Department of Social Welfare and...
To bring essential public services closer to the Filipino people, on Monday, July 8, Senator Christopher "Bong" Go, an adopted son of CALABARZON with familial origins in Batangas, personally spearheaded the inauguration of the Super Health Center in Tingloy,...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -