By JOENALD MEDINA RAYOS
SAN JOSE, Batangas – “NAKALULUNGKOT na may dalawang mayors tayo sa Batangas na kasama sa list, ngunit sa aking pagkaaalam, wala akong impormasyon na sangkot sila sa droga.”
Ito ang pahayag ni Senador Ralph G. Recto sa mga mamamahayag bilang reaksyon sa pagkakasama nina Lemery mayor Larry Alilio at Ibaan mayor Danny Toreja sa panibagong listahan ng umano’y narco-politicians sa bansa na isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes, Marso 14.
Pahayag naman ni Senador Grace Poe, mas mabuti anyang maisampa na ang kaso laban sa mga napangalanan upang masagot naman nila ang mga ito ng naaayon sa due process.
“Ang ating pangulo ay isang lawyer, at alam niya ang kanyang ginagawa,” dagdag pa ng senadora.
Binasa ni Pangulong Duterte ang mahabang listahan ng isang dating alkalde at ng 45 iba pang incumbent officials na kinabibilangan ng 33 alkalde, 8 bise-alkalde, 3 konggresista, isang bokal.
Ang nasabing bilang ay bahagi lamang ng mas mahabang talaan na ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay umaabot pa ng 82 ngunit hindi muna isinapubliko ang ibang kasama sa listahan sapagkay patuloy pa arin ang pagberipika sa kanilang mga pangalan.
Layunin umano ng administrasyon na ipabatid sa publiko kung sinu-sinong ang pinaniniwalaang may kaugnayan sa illegal drug trade at maiwa-sang makumpromiso ang darating na halalan ng mga tinatawag na narco-politi-cians at ng impluwensya ng drug money sa mga manghahalal.
Kapwa dati nang naka-sama sa naunang isinapub-likong narcolist sina Alilio at Toreja. Sa magkahiwalay na pagkakataon, sinabi ng dalawang alkalde na nakahanda silang harapin at sagutin ang mga asuntong isasampa laban sa kanila upang linisin ang kanilang pangalan.
Si Alilio ay muling tuma-takbo sa pagka-alkalde ng bayan ng Lemery, saman-talang si Toreja naman ay hindi na nag-file ng Certi-ficate of Candidacy para sa anumang posisyong halalin.|#BALIKAS_News