24.9 C
Batangas

Bagong reklamo laban kay San Pascual mayor Conti, inihain sa Ombudsman

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

SaN PASCUAL, Batangas — HINDI pa man umuusad ang naunang dalawang reklamo na isinampa ni Vice Mayor Antonio Dimayuga laban kay San Pascual Mayor Roanna D. Conti at ang reklamong isinampa naman ng alkalde laban sa mayoriya ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan, isa na namang bagong reklamo ang isimapa laban kay Conti. Sa pagkakataong ito, isang pribadong indibidwal ang naghain ng reklamo sa Ombudsman.

Sa 7-pahinang reklamong isinampa ni dating Vice Mayor Davis Gregory K. Fider, tinanggihan umano ni Conti ang pagproseso at pagbabayad ng leave credits ng dating opisyal sa kabila ng payo ng Department of Interior and Local Government (DILG) na marapat na aksyunan na ang terminal leave benefits.

Batay sa isinumiteng service record, si Fider ay naglingkod bilang Kagawad ng San Pascual mula Hulyo 2007 hanggang Enero 2009, at bilang bise alkalde mula Enero 23, 2009 hanggang Hunyo 30, 2016.

Batay sa Civil Service Commission Memorandum Circular No. 41 S. 1998, as amended, ang mga leave credits ng mga lokal na opisyal ay entitled sa leave privileges at ito ay commutative and cumulative.

Pagkatapos ng kaniyang termino, inihain na ni Fider ang kaniyang requirements para sa pagkolekta ng kaniyang terminal leave benefits. Sa kabila ng mga na-accomplished na clearances hindi mabatid ni Fider kung bakit hindi pinipirmahan ni Conti ang nasabing terminal leave benefits, dahil upang idulog niya ang usapin sa DILG Regional Office.

Sa kaniyang liham kay Fider, sinabi ni DILG OIC Regional Director Manuel Q. Gotis na wala siyang kapangyarihang idisiplina ang sinumang local chief executive o alkalde kung kayaโ€™t pinayuhan siyang idulog na lamang niya ito sa Ombudsman. Kaalinsabay rin nito ay binigyan din ni Gotis si Fider ng sipi ng liham ng direktor kay Conti na nagpapayong aksyunan na ang terminal leave benefits ni Fider. Sa kabila nito, walang naging aksyon ang alkalde.

Bunsod ng kawalang aksyong ito ng alkalde, naghain ng reklamo si Fider sa Ombudsman nitong Huwebes ng umaga, Marso 21. Sapagkat nasa labas ng bansa si Fider, ang naghain ng reklamo ay ang kaniyang attorney-in-fact na si Edwin C. Perez.

Kabuuang Php643,566.14 ang dapat tanggapin ni Fider bilang terminal leave benefits ayon sa kwenta ng Human Resource Management Department ng munisipyo.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

ILANG araw na lang ang nalalabi ay matatanggap na ng mga kwalipikadong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kanilang bonus! Inihayag ni Governor Hermilando I. Mandanas na pinoproseso na ang paghahanda ng pag-release ng naturang bonus sa ilalim ng...
Land subsidence, or the gradual sinking of the ground, threatens not only Metro Manila but also other cities. Excessive groundwater extraction, rapid urbanization, tectonic motion, and the natural compaction of sediments contribute to land subsidence worldwide. This issue is worsened...
RESEARCHERS from the University of the Philippines โ€“ Diliman College of Science (UPD-CS) are recipients of the Universityโ€™s first-ever recognition for its Research, Extension, and Professional Staff (REPS). The UP Diliman REPS Chair and REPS Awards aims to recognize the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -