29.5 C
Batangas

Bagong SK officials, sumailalim sa pagsasanay bago manungkulan

Must read

- Advertisement -

LUNSOD BATANGAS, Batangas — HANDANG-HANDA na ang 822 Sangguniang Kabataan (SK) chairpersons at mga kagawad sa lunsod na ito para gumanap sa kanilang mga tungkulin para sa dalawang-taong termino hanggang 2020.

Ito’y matapos silang sumailalim sa tatlong araw na mandatory training na ginanap sa Lord Emmanuel Institute sa bayan ng Lobo, Batangas na ginanap Mayo 23-25.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Regional Director Manuel Gotis, napakahalaga na makadalo ng training na ito ang mga elected SK officials alinsunod sa Republic Act no. 10742 o Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 .

“Nakasaad sa batas na hindi makakapag-assume ng kanilang posisyon ang mga elected SK na hindi umattend ng training na ito,” pagdidiin ni Gotis.

Sinabi rin ni Gotis na dito, matututunan ng mga participants ang lawak ng kanilang responsibilidad. “Ito ay eye opener sa kanila, at ang lahat ng kanilang matutunan dito ay magiging guidance nila sa kanilang panunungkulan,” dagdag pa ni Gotis.

Tinalakay sa training ang Decentralization and Local Governance, Sangguniang Kabataan History and Salient Features, Meetings and Resolutions, Planning and Budgeting, at Code of Conduct and Ethical Standard.

Pagkatapos nito ay may mga nakatakda pa ring enhancement training para sa mga SK upang higit na maiangat ang kanilang kaalaman at kakayahan bilang mga lider ng kabataan.

Ayon kay Gotis, inaasahan niya na ang mga nahalal na SK officials ay matino, mahusay at maaasahan. Aniya, dapat ay mahusay ang mga ito na mamahala ng pondo ng SK at alam tugunan ang pangangailangan ng mga kabataan.

Ang naturang training ay itinaguyod ng DILG, National Youth Commission , Local Government Academy, katuwang ang local government unit, Local Resource Institutes (academic institutions), liga ng mga barangay at Development Academy of the Philippines.

Samantala, ang mga kahahalal na SK officials ay manunungkulan hanggang sa maihalal ang kanilang mga kahalili sa May 2020 Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan (BSKE 2020).| – May ulat ni Marie V. Lualhati

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Social media has been awash with calls for silence. "Do not speak if you are not fully informed," they say. "Research first before you comment," they insist. At first glance, staying silent seems wise, but beneath it lurks dangerous...
From Apple Original Films and the filmmakers from "Top Gun: Maverick" comes the high-octane, action-packed feature film F1®, starring Brad Pitt and directed by Joseph Kosinski. The film is produced by Jerry Bruckheimer, Kosinski, famed Formula 1® driver Lewis...
Scientists from the University of the Philippines – Diliman College of Science (UPD-CS) have pioneered a simpler, faster, cheaper, and more eco-friendly method to fabricate gold nanocorals by using natural, low-cost acids in water at room temperature. Gold nanostructures have...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -