25.3 C
Batangas

Bagong tourist attraction, ikinakasa sa Batangas

Must read

- Advertisement -

By RICHARD L. VELASCO

KILALA ang bayan ng Batangas dahil sa mga ibat iba nitong pro-dukto gaya ng kapeng barako, bagoong, tawilis at marami pang iba. Kakaiba naman ang bagong hated na produkto ng Batangas — ito ay ang dates fruits na matatagpuan sa ilang ektaryang dates farm sa barangay Balete sa Batangas City at sa Brgy. Kaingin, sakop ng bayan ng San Pascual.

Ayon sa may ari ng Dates Farm na si Bokal Arthur “Bart” Blanco, nagsimula siyang magtanim noong taong 2008. Aniya pa, nag-umpisa lamang siyang noong magtanim ng mga dalawampung puno hanggang sa lumaki ito at ngayon ay umaabot na sa libu-libo ang kanyang puno ng dates palm.

Hindi lang puno ng dates ang attraction kundi ang iba’t ibang uri ng hayop sa loob kabilang na ang kabayo, ostrich, Peking duck, kambing, at baboy loob mismo ng Dates Farm. Ayon pa kay Bokal Bart, hindi lang farm ang plano niyang ilagay duon kundi nag paplano rin siyang maglagay nga iba’t ibang uri ng attraction sa loob, kasama na ang pangarap niyang paglalagay ng resort. Nais niyang lagyan ng swimming pool ang gitna at mga villas sa gilid nito.

Sa ngayon ay under development pa ang ang Dates Farm. Ninanais pa niya na mapaganda ang kabuuan. Para kay Bokal Bart, “Target ko kasi yung mga bata at matanda. Kaya hindi ako maglalagay ng two-storey kasi mahirap ng umakyat yung matatanda; may rest house at swimming pool din. So hindi lang yan, event center at reception center parang pag magpapakasal ka doon ang handaan then may hotel room sa taas na lima lang. Di maiaalis na tayong mga Batangueño, may namamaysan sa atin, yung lalaki namamaysan. So, sa’n mo dadalhin yung mamamaysan i-check in mo sa hotel, ang mahal-mahal, so pag nirenta mo yung event center may limang rooms doon — isang napakalaki at apat na pare-pareho ang laki yung dalawa ay sa mamamaysan ang dalwa ay sa binabaysan at yung isa ay sa ikakasal.”

Plano rin niya na magtayo ng isang coffe shop sa loob ng farm. “Maggagawa ako jan ng coffee shop pero all woods — woods and glass ang aking concept at ang aking kape dun ay dates coffee walang ibang kape sa Pilipinas na gumawa ng dates coffee. Tayo pa lang ‘yan, then merong mga cakes, pastries, mga yari din sa dates. So, namumunga yung dates at ang harvest season niya is June-July; so, pag nangyari yun hindi ko na kailangan ibenta yung dates; kukuhanin ko lang yun gagawa at ipe-preserve ko lang yun panghalo ko sa dates pastry, sa kung anu-anong candies, at yung kakainin mo dun sa coffee shop,” aniya.

Isa din sa mga nais niyang ilagay o ipatayo ay ang School of Horseback Riding. Aniya, “naghohorse back riding tayo sa Tagaytay at sa Baguio pero walang nagtuturo; akay- akay nung sota. Dito, ibang klase ang aking io-offer magkakaroon tayo ng school of horseback riding at ang sasakyan mong kabayo is racing horse, polo horse, hindi yung maliliit na kabayong Tagalog o kung malaki man ay hinihila ng sota. Magkakaroon ka ng 30-days schooling hanggang sa mabilis ka nang magpatakbo; kasi sinasabi ko nga, ang mga millennials, gusto masubukan lahat.”

Sa ngayon, kahit na sa underdevelopment pa ang Dates Farm ay open sila sa mga gustong bumisita, at magpictorial sa loob ng farm. Payo naman ni Bokal sa ating mga kababayan,

“Sa ating mag kababayan, tayo’y umedad na singkwenta, sisenta, sitenta, nakarating tayo sa Hong Kong, Singapore, Thailand, Malaysia, sa US, sa Canada Australia, England, Europe. Pero hindi pa natin nararating ang Laiya; hindi pa natin nararating ang Matabungkay; hindi pa nararating ang maraming beaches sa dami ng ating tourist spot dito. Bakit hindi natin subukan na bago tayo bumisita sa ibang bansa o sa ibang bayan ay bisitahin muna natin yung ating sariling atin.”| – BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
BATANGAS City — After nine (9) months of rolling out the Master of Disaster (MOD) board game across 16 schools in Batangas City, Shell Pilipinas Corporation Master of Disaster program culminated its first run last Friday, September 6, 2024...
CITY OF CALACA, Batangas – “NARINIG na natin ang Boses ng Partido! Nagpasya na ang partido sa apat na dapat nating suportahan sa mga darating na araw. Sila ang aking magiging katuwang sa Tamang Gawa, Tamang Pamamahala, para sa...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -