26.7 C
Batangas

Bagong tulay, hatid ay pag-asa sa bagong taon

Must read

- Advertisement -

‘BRIDGE OF HOPE’. BUO na ang ikatlong tulay sa makasaysayang Ilog Calumpang sa Lungsod ng Batangas, na ayon sa pag-taya ng kontratistang Frey-Fil Corp., malibang may hindi kanais-nais na pang-yayaring maaaring maging balakid sa tuluy-tuloy na konstruksiyon, ay mabu-buksan na sa publiko bago sumapit ang kapistahan ng lungsod sa Enero 16.

MAPAPANSIN na nakapwesto pa sa ilalim ng bagong tulay ang mga scaffolds na ginamit sa paglalagay ng rematse o fittings sa pinagdugtong na magkabilang bahagi ng tulay. Mula sa magkabilang dulo, naghugpong ito sa gitna noong Disyembre 11, 2018. Mapapansin din na nakatambak pa sa gitna ng ilog ang mga lupa na ginamit bilang tuntungan o suporta sa mga naglalakihang cranes na ginamit sa pagtataas ng mga box girders. Pagkatapos ng kontruksyon, muling aalisin ang mga nakatambak na lupang ito at ibabaik sa dati ang ilog upang malayang makadaloy ang tubig dito.|

Katuwang ng dalawang tulay — ang Bridge of Promise na nag-uugnay sa Kumintang Ibaba at Gulod Labac, at sa Calumpang Bridge na nag-uugnay sa M.H. Del Pilar St. sa Poblacion at sa Brgy. Pallocan Kanluran — inaasahang ang ikatlong tulay na ito na nagdurugtong sa Ferry Road (Kumintang Ibaba) at Brgy. Gulod Labac, na maaari ring tawaging Bridge of Hope, ang maghahatid ng kaganapan ng mas lalong progresibong lungsod, inaasahang kukumpleto sa pangangailangan ng lungsod para sa mas maayos na daloy ng trapiko, ay magiging simbolo ng maayos na pamamahala, magbubukas ng mas maraming oportunidad sa negosyo ng mga Batangueño, at matiwasay na pamumuhay ng mga mamamayan.

Isinagawa ang groundbreaking ceremony ng tulay noong Hulyo 23, 2017 at may kabuuang budget na P338 miilion.| #BALIKAS_News

Photos by JOENALD MEDINA RAYOS & JOMAR S. DAVID

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -