29.5 C
Batangas

Bagong variety ng mais, susubukan sa Laguna

Must read

- Advertisement -

CALAMBA City, Laguna – SUSUBOK na makapagtanim ng puting mais sa kauna-unahang pagkakataon ang 28 magsasaka ng palay at gulay mula sa Calamba, Laguna sa tulong ng Farmer Field School (FFS) na isinasagawa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa ilalim ng Corn Banner Program.

Mga magsasaka mula sa Barangay Rizal, Banlic, Mayapa, Parian, San Jose, San Cristobal, San Juan, La Mesa, Halang, Uwisan, at Look ang dumalo at nakilahok sa nasabing aktibidad.

Layunin ng FFS na matulungan at maturuan ang mga magsasaka na makapagtanim ng puting mais upang mapakinabangan pa rin nila ang kanilang lupang sakahan sa panahong nakapahinga ito sa pagtatanim ng palay at gulay.

Mahalaga para sa kalusugan ng lupang sakahan ang crop rotation o ang pagpapalit ng mga pananim bawat pagtapos ng panahon ng pag-aani dahil napapalitan nito ang mga nawalang sustansya ng lupa at naiiwasan ang pananatili at pagdami ng mga peste sa sakahan.

Bahagi ng FFS ang mga pagsasanay tungkol sa pag-aanalisa ng lupang sakahan, pamamahala at pagkontrol sa mga peste sa taniman gaya ng fall army work, mga yugto ng pagtatanim ng mais, at ang tamang pagtatala o record keeping.

Matatapos ang serye ng mga pagsasanay sa Setyembre na siyang simula naman ng panahon ng pagtatanim ng puting mais. Dito ay susubukin ng mga magsasaka ang kanilang natutunan mula sa dinaluhang FFS.

“Nagpapasalamat kami sa FFS na ito ng DA dahil malaking tulong na may bagong natututunan kahit kaming mga experienced na magsasaka. Siguradong dagdag-kita kapag natutunan naming maitanim nang maayos ‘yong mais,” ani Nilo I. Baron, maggugulay.

[Mga larawan mula kay Bb. Marissa G. Sanchez, Corn Coordinator ng Office of the City Agriculturist ng Calamba, Laguna]

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Cavite-based small enterprises Absmush Mushroom and Project Beans Trading receivedHalal Certification from the Malaysian Halal Consultation and Training Agency –International Halal Integrity Alliance (MHCTA-IHIA) for Halal Standards. Executive DirectorProf. Dr. Rafek Saleh of the MHCTA-IHIA and Director/Consultant Dr. Jane...
CALAMBA City, Laguna - A quadripartite Memorandum of Agreement among the Department of Environment and Natural Resources CALABARZON Region, Tribal Council Association of Puray Inc. (TCAPI), Bamboo Professionals Inc. (BPI), and Rotary District Club 3780 for the adoption of...
Aboitiz Power Corporation (AboitizPower) is strengthening its bid to grow its RE portfolio in the next decade with plans to build a binary plant in Tiwi, Albay. Through its subsidiary AP Renewables, Inc. (APRI), the company is set to construct...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -