NAG-IWAN ng kabuuang 49 na patay at 17 nawawalang indibidwal ang bagyong Kristine sa Lalawigan ng Batangas.
Ito ang nakalap ng BNN News Team, batay sa pinakahuling tally ng mga ulat mula sa 5 lungsod at 29 bayan ng lalawigan,*, ganap na ika-6:00 ng gabi, Biyernes.
Kabilang sa 49 naitalang namatay, maging ito ay direktang dahil sa bagyo, natural death, at mga narekober na bangkay, ay mula sa:
18 sa Talisay – (Landslide)
9 sa Agoncillo – (Flood)
10 sa Laurel – (1 Cardiac Arrest)+ 9 (landslide)
4 sa Lipa City – (1 Electrocution)+ 3 (landslide)
2 sa Tanauan City – (Drowning and seizure)
2 sa Rosario – (flood)
1 sa Calaca – (Fallen tree)
1 sa Lian – (Fallen Tree)
1 sa Calatagan – (drowning/flood)
1 sa Cuenca – (landslide)
Kapansin-pansin na pinakamarami ang mga namatay bunsod ng landslide na umabot sa 31 o higit pang kalahati ng kabuuang bilang ng namatay.
Samantala, kabilang naman sa 17 nawawala ay 6 mula sa Agoncillo, 5 mula sa Cuenca, 2 sa Calatagan, at tig-iisa sa Lungsod ng Lipa at Lungsod ng Tanauan, gayundin sa mga bayan ng Lemery, Alitagtag.
[*Update as of 6:00 PM; Oct 25,2024: (UNOFFICIAL DIRECT FROM COPs/Opn PNCO-not yet declared in PDRRMO) – Atty. Genaro Cabral]