28.9 C
Batangas

Bakunahan sa edad 5-11, kasado na ngayong Lunes, Pebrero 7

Must read

- Advertisement -

20-30 kabataan, babakunahan sa BatMC

NAKAKASA na ang malawakang pagbabakuna sa mga kabataang may edad 5 hanggang 11 taong gulang ngayong Lunes, Pebrero 7, kabilang na ang may 20-30 kabataang Batangueño, ayon sa Department of Health.

Ayon pa sa kagawaran, tinatayang nasa higit 2.1 milyong batang kabilang sa naturang age bracket ang target na mabakunahan kontra CoVid-19 sa buong Calabarzon Region (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na magsisimula sa magkakahiwalay na lugar ngayong Pebrero 7.

Ayon kay DOH-Calabarzon Regional Director Ariel Valencia, isasagawa ang initial rollout ng bakuna sa Pebrero 7 sa Batangas Medical Center (BatMC) sa Batangas City at Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor City, Cavite.

Sa inisyal na impormasyon, nakatakdang pangunahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbabakuna sa Batangas, kung saan nasa 20 hanggang 30 bata ang inaasahang tatanggap ng unang dose ng reformulated Pfizer vaccine na para lamang sa edad 5-11 taong gulang.

Si Interior Secretary Eduardo Año naman ang nakatakdang du-malo sa pagbabakuna sa Cavite na may 50 hanggang 100 batang babakunahan.

Nabatid din na sa Pebrero 14 naman magsisimula ang pagbabakuna sa mga lungsod ng Imus at Dasmariñas sa lalawigan ng Cavite, samantalang uusad din ang bakunahan sa iba pang lalawigan at lungsod sa CALABARZON.

Samantala, iniulat din ng DOH-Center for Health Development sa Calabarzon na pumalo na sa mahigit 9 milyon ang fully vaccinated sa rehiyon. Ito’y katumbas na ng 77% target na mabakunahan sa buong rehiyon.

Patuloy naman ang panawagan ng kagawaran sa publiko, partikular sa mga di pa bakunado, na seryosohin ang panawagan ng pamahalaan na magpabakuna na upang magkaroon ng karampatang proteksyon kontra CoVid-19 na patuloy pa ring nakaaapekto sa kalusugan ng tao.

Hanggang nitong nakaraang Biyernes, Pebrero 4, pumalo na sa 472,714 ang kabuuang kaso ng naitala sa buong Calabarzon. Nasa 19,641 ang active cases matapos mapadagdag ang 2,717 na bagong kaso.|- Joenald Medina Rayos / BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -