28.4 C
Batangas

“BaLinKBayan”, nasa Batangas na rin!

Must read

- Advertisement -

By Marinela Jade Maneja

Agresibo sa layuning makamit ang isang sistematiko at komprehensibong pakikipag-ugnayan sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya, ilulunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang “BaLinkbayan”: One-Stop Online Portal for Diaspora Engagement.

Kaugnay nito, isang memorandum of agreement ang pinirmahan sa pagitan ni Governor Dodo Mandanas at Undersecretary Astravel Pimentel-Naik, Executive Director ng Commision on Filipinos Overseas noong ikalawa ng Agosto 2018 na ginanap sa Office of the Provincial Governor, Batangas Provincial Capitol, Lungsod ng Batangas.

Ang BaLinkbayan, isang proyektong e-governance ng national government na pinangangasiwaan ng CFO sa ilalim ng kanilang migration and development (M&D) initiative, ay inaasahang magbibigay ng mga mekanismo upang epektibong i-mainstream ang migration and development sa lokal na antas at magtatampok ng mga inisyatibo na patrikular sa lalawigan ng Batangas.

Ito ay isang paraan ng pagkonekta sa mga indibidwal at mga komunidad sa ibang bansa sa Pilipinas. Bukod sa pagbibigay ng access sa online services ng pamahalaan, hinihikayat din ni BaLinkBayan ang mga Pilipinong nasa ibang bansa na magsimula ng educational exchanges, medical missions at volunteer programs sa bansa.

Alinsunod dito, idinaos ang “Orientation on Balinkbayan Project” na ginanap naman sa People’s Mansion na dinaluhan ng directors mula sa CFO na nagsilbing resource speakers at mga kinatawan ng mga pangunahing ahensya na may kaugnayan sa pagpapatupad ng proyekto.

Ayon kay BaLinkBayan Project Manager and Director Marita Del Rosario-Apattad, magandang magkaroon ng localized BaLinkbayan website ang lalawigan lalo pa’t isa ang Batangas sa mga nangungunang lalawigan pagdating sa pagkakaroon ng mga migrante.

Ang Commission on Filipinos Overseas at Batangas Province ay nagtutulungan para na rin maipakita na ang lalawigan ay nagbibigay ng magandang pagkakataon para sa mga negosyo at investments at naglalayong makaakit ng karagdagang investors na mga OFW para sa mas ikauunlad ng estado ng ekonomiya at pagbabawas sa kahirapan.

Inaasahang mailulunsad ang localized BaLinkBayan website ng Batangas ngayong darating na Disyembre.|By Marinela Jade Maneja

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -