26.8 C
Batangas

Banta sa buhay ni Mayor Sabili, isinapubliko; P7-milyon, ibabayad sa gunman?

Must read

- Advertisement -

In photo: INIHAYAG ni Mayor Meynard A. Sabili sa maikling programa sa flag raising ceremony ang banta sa kaniyang buhay sa halagang P7-milyon.|

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIPA City – “MANANATILING normal ang mga transaksyon sa Tanggapan ng Pununglunsod ng Lipa, bagaman at magkakaroon na konting security measures na ipatutupad simula ngayong araw na ito.”

Ito ang pahayag ni Mayor Meynardo A. Sabili sa isang maikling programa sa lobby ng city hall kasunod ng flag raising ceremony noong Lunes, Oktubre 29, matapos niyang ihayag ang umano’y banta sa kaniyang buhay.

Pahayag ni Mayor Sabili, isang intelligence report ang ipinabatid sa kaniya ni mula kay retired General Raul Dimatatac ng Philippine Air Force na may isang kampo na nagbabalak ng masama sa kaniyang buhay. Idinagdag pa ng alkalde na nabatid niyang ang kinuhang gagawa nito ay taga Nueva Ecija sa halagang P7-milyon.

Kinumpirma naman umano ni dating Governor Aurelio ‘Oyie’ Umali kay Mayor Sabili ang naturang banta sa buhay ng alkalde at ipinabatid na nakaalis na sa Nueva Ecija ang sinasabing gunman.

Tiniyak din naman aniya sa kaniya ni Umali, na nakahanda umano siyang humarap sa media at maging sa pangulo kung kinakailangan, upang patunayan ang katotohanan na may matinding banta sa buhay niya.

“Wala po akong tinutukoy na tao at wala rin akong karapatang magbintang. Hindi po ako nagbibintang kung sino man ang taong gusting pumatay o magpapatay sa akin, ang masasabi ko lamang ay sana naman, matakot tayo sa Panginoon,” pahayag pa ni Sabili.

“…Kung sanay na ang patayan at ito’y gagamitin dahil sa political greed, hindi po natatapos ang lahat pagka namatay po si Mayor Meynard Sabili, hindi pa po tapos ang lahat; meron po tayong Panginoon at meron po tayong taumbayan na siyang maghuhusga. Hindi ikaw, kung sino ka man, wala kang kapangyarihan na tapusin ang isang taong naglilingkod sa bayan; isang taong sasabihin nya ay waang kredibilidad, pero ang tao na ito ay pinagtiwalaan ng Lunsdo ng Lipa , ng masang Lipeño sa loob ng maraming taon. Kung sasabihin natin, walang kredibilidad, di wala ring kredibilidad ang ating mga taga-Lunsod ng Lipa,” dagdag pa ng alkalde.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
MANILA, Philippines — THE U.S. Embassy in the Philippines will open a new Visa Application Center (VAC), launch an updated visa appointment system, and expand call center services to U.S. citizens in the Philippines starting on September 28. The new...
TANAUAN City -- TUMINDIG at nanindigan ang mayoriya ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan City na harangin ang panukalang Php 615.7-milyong Supplemental Budget na anila’y hindi tamang paggastos ng pondo ng bayan. Sa regular na sesyon ng Sanggunian nitong Martes, Agosto...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -