31.7 C
Batangas

Barangay police, patay sa ambush

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

TANAUAN City — PALAISIPAN pa rin sa mga tauhan ng Tanauan City Police Station kung ano ang motibo sa likod ng pamamaslang sa isang barangay police sa lunsod na ito Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Menandre Versoza y Cometa 38 anyos, tricycle driver, residente at aktibong miyembro ng Barangay Police Service Office (BPSO) ng Brgy Talaga, Tanauan City.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kaniyang itim na Kawasaki Barako tricycle sa bahagi ng Purok 3, Brgy. Talaga sakop ng lunsod na ito patungo sa direksyon ng bayan ng Talisay bandang alas 9:45 ng gabi nang paulanan ng bala ng di pa nakikilalang salarin.

Nagawa pa umanong bumaba ng biktima mula sa kaniyang tricycle ngunit hindi naman siya tinigilan ng salarin. Naisugod pa ang biktima sa Laurel Memorial District Hospital ngunit idineklara ring dead on arrival ng attending physician doon.

Kasalukuyang nakalagak ang labi ng biktima sa Luisa Funeral Homes sa lunsod ng Tanauan samantalang hiningi na ng otoridad ang tulong ng Scene of the Crime Operatives (SOCO para sa mas malalimang imbestigasyon.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BATANGAS -- Individuals transferring ownership of properties by way of succession would not need to pay for charges and interests for delayed payment of transfer taxes as the Sangguniang Panlalawigan acted on it with promptness, September 2. In a regular...
SAN JUAN, Batangas -- IN relation to the published Tropical Cyclone Bulletin Nr 08 issued by PAGASA as of 09:00 AM, September 02, 2024, the Philippine Coast Guard - San Juan Sub Station temporarily suspends voyages of all vessels/watercrafts...
NANAWAGAN si Balayan mayor JR Fronda sa publiko ng ibayong pag-iingat at kaagad na magreport sa kanilang barangay o sa kanilang rural health unit, o maging sa mga lingkod ng bayan, kung sakaling may makitang sintomas ng monkey...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -