LIPA City — WALA ng kasing pait para sa isang ina na sa pagdiriwang ng Mothers Day ay maghatid siya sa huling hantungan ng pinakamamahal na bunsong anak.
Nitong Linggo ng hapon, kasama ang mga nakidalamhati mula sa iba’t ibang sektor, hinatid na nina Cynthia at Danmark ang kanilang bunsong anak na si Malia Kates Yuchen S. Masongsong sa kaniyang huling hantungan sa Eternal Gardens Memorial Park sa Lipa City.
Si Malia ang batang biktima ng malagim na trahedya sa NAIA Terminal I na kumitil ng dalawang buhay at nakasugat ng ilan pang indibidwal.
Mula ng maganap ang nasabing trahedya, hindi na nakita pa ni Cynthia ang anak matapos na siya’y isugod sa St. Lukes Medical Center sanhi ng tinamong mga sugat, hanggang sa makauwi siya bago inilibing ang bata.
Isa pang lalaki na patungo sana sa Dubai, United Arab Emirates ang sinawimpalad na mabangga at madaganan ng isang Sports Utility Vehicle (SUP); samantalang nasugatan din sa insidente ang ina ni Danmark at isang pamangkin.
Nagulat umano ang driver ng SUV nang may dumaang kotse sa kaniyang unahan, kung kaya’t sa halip na break ang matapakan ay silinyador ang natapakan nito, dahilan upang humarurot ang SUV at bumangga sa bollards at sa bahaging kinaroroonan ng mga biktima.
Nasa paliparan noon ang mag-ina ni Cynthia upang ihatid si Danmark na isang overseas Filipino Worker (OFW) sa Czech Republic.
Samantala, personal ding nakipaglibing at nakidalamhati sina Secretary Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers (DMW) at Administrator Arnel Ignacio ng Overseas Welfare Administration (OWWA). Nauna rito ay nakipag-unayan na umano ang DMW at OWWA sa employer ni Danmark, sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Prague at Philippine’s labor attaché isa Czech Republic. Iginagulat umano ng naturang employer ang malagim trahenda sinapit ng pamilya ni Danmark at nagpaabot na ng pakikiramay dito.| Joenald Medina Rayos at Ghadz Rodelas