27.3 C
Batangas

‘Batangas at Quezon, nananatili sa GCQ’ – IATF

Must read

- Advertisement -

NANANATILING nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang mga lalawigan ng Batangas at Quezon taliwas sa mga kumakalat na bali-balita na isasailalim na rin ito sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Agosto 6.

Ayon kay Sec. Vince Dizon, deputy chief implementer ng National Task Force against Covid19, wala pang desisyon ang IATF kung ilalagay din ang Calabarzon Region sa mas mahigpit na quarantine status gaya ng NCR na isasailalim sa ECQ simula Aug 6 hanggang Aug 20.

Ginawa ang paglilinaw ni Dizon sa mga kumakalat na balitang magkakaroon umano ng re-classification ang quarantine status ng Region 4A base sa pag-uusap ng mga gobernador ng rehiyon at ni Health Sec. Francisco Duque III at ng DILG.

Sa kasalukuyan, ang Laguna ay na-reclassify na MECQ habang ang Cavite, Rizal at Lucena City ay GCQ with heightened restrictions at GCQ naman ang Batangas at Quezon.| – BNN, may ulat ni Bhaby de Castro

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -