26.6 C
Batangas

Batangas City, pasado sa Seal of Good Financial Housekeeping

Must read

- Advertisement -

BATANGAS City — Kabilang ang Batangas City sa listahan mga lungsod na nakapasa sa Seal of Good Financial Housekeeping 2019 ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang SGFH ay dating Seal of Good Housekeeping, na nanganga-hulugan ng compliance ng local government unit (LGU) sa accounting and auditing standards, rules and regulations ng Commission on Audit (COA). Nagpapakita ito ng transparency and honesty in spending public funds.

Ayon kay DILG City Director Esther Dator, bukod sa compliance sa COA audit opinion, kailangan din na may compliance sa Full Disclosure Policy (FDP) ng Local Budget and Finances, Bids and Public Offerings kagaya ng Annual Budget, Statement of Receipts and Expenditures, Annual Procurement Plan or Procurement List, Bid Results On Civil Works at iba pang requirements.

Ang SGFH ay isa sa anim na area na kailangang i-assess at mai-pasa ng isang LGU bago ito magawaran ng SGLG or Seal of Good Local Governance.

Idinagdag pa ni Dator na isang advantage ng pasado sa financial administration ay ang pagkakaroon ng mga LGUs ng magandang financial standing kung saan maaari silang makapagloan sa mga bangko.

Ang lalawigan ng Batangas kasama ang apat na lungsod at lahat ng bayan nito ay nakakuha ng SGFH.

Samantala, alinsunod pa ring sa direktiba ng DILG, nakapagbuo na ang mga barangay ng kanikanilang Barangay Health Emergency Team (BHERT) upang tumugon sa banta ng Corona Virus Disease (COVID) 2019. Ito ay pamumunuan ng chairman ng Committee on Health ng barangay kasama ang barangay tanod, Barangay Nutrition Scholar (BNS), midwife at nurse na magre-report sa pangulo ng barangay.

Sumailalim ang mga barangay na hinati sa limang clusters sa isang orientation upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa kung ano ang dapat gawin kung may mga Persons Under Iinvestigation (PUI) sa kanilang lugar. Sila ang magre-report sa City Health Office (CHO) hinggil dito.

Pinaghahanap din sila ng Barangay Isolation Unit upang paglagakan ng mga PUIs.| PIO Batangas City

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Think about your family's future. What do you see? Perhaps it's your child graduating with flying colors from a top university, your dream business finally...
A Catholic bishop has lamented the continuing support for former President Rodrigo Duterte’s violent anti-drug campaign, which has led to a spike in the...
Social media has been awash with calls for silence. "Do not speak if you are not fully informed," they say. "Research first before you...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -