SUMASAILALIM ngayon sa Proficiency Evaluation Process Performance Audit ang Batangas City Police Station na isang annual activity na ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) upang alamin ang mga accomplishments ng isang himpilan, best practices nito at mga programang dapat ipatupad na para sa mas epektibong paglilingkod.
Kabilang sa mga nire-review ngayon ng Proficiency Auditing Team ang mga records at reports ng him-pilan simula 2015 hanggang 2017. Nagsasagawa din sila ng on-site inspection sa mga opisina at interview sa mga tauhan ng pulisya. Inalam din ng team ang suportang ipinangkakaloob ng mga strategy partners kagaya ng Advisory Council kung saan nagsagawa ito ng interview sa mga miyembro ng council.
Iniulat naman ni PSupt Sancho Celedio ang mga accomplishments ng City Police Station simula 2015 hanggang Mayo 2019 kung saan naging tampok dito ang anti criminality campaign kagaya ng checkpoint operations, campaign against illegal drugs, SIPAG recovery program para sa mga drug surrenderees kung saan sa kasalukuyan ay may 2,401 graduates na mula sa 3,241 surrenderees.
Sa pamamagitan naman ng Project BRAD ang mga graduates ay sasailalim sa skills training sa pamamagitan ng TESDA para sila ay mabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa malala-king industriya sa lungsod at makabalik sa komunidad bilang mabuting mamamayan.
Ang Proficiency Evalua-tion Process Performance Audit ay tatagal hanggang bukas, kung saan sa exit briefing nito ay ipapaalam ang naging resulta ng audit na isa sa mga batayan para muling mapili ang Batangas City Police Station bilang 2018 Best City Police Station na rehiyon.
Ang Performance Audit Team ay pinangungunahan ni PCol Renato Salba, C, Regional Logistic Division.|#BALIKAS_News / City PIO