28.9 C
Batangas

Batangas City – San Pascual – Bauan Diversion Road, malapit na sa finish line

Must read

- Advertisement -

BBy JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – (Updated) INAASAHANG magtutuluy-tuloy na ngayong buwan ng Pebrero ang naudlot na pagbubukas ng nalalabing bahagi ng seksyon ng Batangas City-San Pascual-Bauan Diversion Road at makahabol ito sa target na completion ngayong unang kwarter ng taong 2020.

Ayon kay Engr. Sonia Paglicauan, Acting District Engineer ng Second Engineering District, sa kabuuang 2.4 kilometrong haba ng Batangas City portion ng nasabing proyekto, nabuksan na ang 1.6 kilometrong haba bagaman at hindi pa ito concreted.

May nalalabing dalawang kontrata pa aniya na nasuspinde nitong nakaraang taon na sasaklaw sa natitirang portion ng Batangas City section ngunit magtutuluy-tuloy na rin ito ngayong Pebrero 2020 matapos maaprubahan ang pacellary survey na isinagawa sa mga apektadong lupa.

Nabatid pa na sa kabuuang 64 apektadong may-ari ng mga lupang nadaanan ng diversion road, halos dalawa na lamang sa mga ito ang idadaan sa expropriation proceedings matapos mabigong magkasundo ang DPWH at ang mga nasabing affected property owners sa terms of acquisition ng nasabing ari-arian.

Sa eksklusibong panayam ng BALIKAS News kay Deputy Speaker Raneo E. Abu, malaking husay aniya ng proseso sa road right of way acquisition sa Batangas City section ng diversion road sapagkat sinagot ng pamahalaang lungsod at tinutukan ang proseso kahit pa mga tax declaration lamang ang proof of ownership ng ibang mga apektadong property owners.

“Sa bahagi naman ng Bauan-San Pascual portion, mahigpit ang prosesong ipinatutupad ng DPWH at na kailangan ay titulo ng lupa ang batayan ng pagmamay-ari. Kaya naman may sadyang team mula sa DPWH na ito lamang bagay na ito ang tinututukan at dito tayo nakikipag-ugnayan para mapabilis ang proseso,” paliwanag pa ng opisyal.

Mula pa noong 2017 ay taun-taong may aproprasyon para sa naturang diversion road ang pamahalaang nasyunal. Noong 2017, P199-milyon ang nailaang budget para sa paglalatag ng graba sa may 5.765 kimotero na tig-dalawang lanes. Noon namang 2018, may kabuuang 578.81-milyong aproprasyon ang DPWH para sa proyekto. Kinapalooban ito ng 5.765 kilometrong gravel road na may dalawang lanes, 8.50 kilometrong concrete road na may apat (4) na lanes; at konstruksyon ng Bridges 1 & 2; at konstruksyon ng Bridges 3 & 4 na may habang 160 linear meter.

Nitong nakalipas na taong 2019, bagaman at naantala ang pakapagpasa ng national budget, napaglaanan pa rin ito ng P210.5-milyon para sa 0.23 kilometer gravel road, 3.64-km concrete road at Bridges 1 & 2 na may 160 linear meter na haba.

Ngayong taong 2020, naglaan ang pamahaan ng P250-milyong pondo para naman sa 0.71 kilometer concrete road at sa katuwang na linya ng Bridges 3 & 4 na meron ding 160 metrong haba.

Kabuuang P600-milyon naman ang nakadakdang ilaan sa susunod na taong 2021 para makumpleto ng tuluyan ang nasabing diversion road.

“Hindi tayo titigil hangga’t hindi nagkakaroon ng kaganapan ang proyektong ito at lubusang napapakinabangan ng ating mga kababayan,” paniniyak ni Deputy Speaker Abu.

Aniya pa, bagaman at patuloy ang road widening sa kahabaan ng Batangas City-Palico highway, malaki pa rin ang magiging pakinabang ng publiko sa diversion road na ito, lalo na ang mga industriya sa Bauan-Mabini area. Ito rin aniya ang magiging indispensable connecting road sa pinapalanong Bauan-Mabini-San Luis-Lemery Circumferencial Road na siyang magbibigay-daan sa mas mabilis na development mula sa mga bayan ng Mabini at San Luis pakanluran sa mga bayan ng Taal at Lemery. Sisimulan aniya ang konstruksyon ng Bauan-Lemery Section at Mabini-San Luis section ngayong taong 2020.| – Balikas News  

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -