TUMANGGAP ang Batangas City School Division Office (SDO) ng ISO 9001: 2015 Quality Management System Certification, January 30, sa formal awarding ceremony sa Batangas City Convention Center, patunay ng maayos na pangangasiwa at pagpapatupad ng mataas na kalidad ng edukasyon.
Pinasalamatan ni City Schools Superintendent Donato Bueno ang mga opisyal at personnel ng SDO na nag-bigay panahon at tiyaga para sila ay ma-establish na may ISO-certified quality management system.
“This is the result of our team work and effort. To value our customer satisfaction, just be nice to everyone and always smile because your sense of acceptance will bring you to your destination. By one team, we soar to greater heights for the deli-very of a better service. This is our legacy to the SDO Batangas City and the learners we serve,” sabi ni Dr. Bueno.
Nagpasalamat din siya sa suporta ng city government at mga stakeholders upang makamit nila ang ISO certification at sinabing dapat ma-sustain ang kanilang pinaghirapan dahil kung hindi ay pwedeng bawiin ang ISO certificate nila.
Ayon kay Marieta Perez, quality management representative ng SDO Batangas City, mahabang proseso ang kanilang pinagdaanan. Hindi biro ang kanilang ginawa sa maraming trainings, seminars, exams at audit upang malampasan nila yon.
Sa huling bahagi ng beripikasyon, nagpadala ng dalawang external auditors ang TUVNord Certifying Body, ang service provider na nag- verify para sa comprehensive testing and certification of products, services at management system batay sa national at international requirements and standards upang maging ISO-certified. Pinagtuunan ng pansin ng ISO dito ang top management, document custodian at lead auditor.
Aniya, importante sa kanila ang ISO award na ito dahil “kami ang public servants , dapat may quality ang aming services upang matugunan at maitaas pa ang magandang kalidad ng edukasyon sa lungsod.”
Sinabi rin niya na ito ang pinakamataas na award na kanilang natanggap kung saan naipakita nila ang pagkakaisa, pag sasama-sama at collaboration ng bawat isa.| #