25.6 C
Batangas

Batangas Contingency Plan for Tsunami, aprubado na

Must read

- Advertisement -

HANDA na sa anumang banta ng tsunami ang Lalawigan ng Batangas, partikular ang Provincial Disaster and Risk Reduction Management Council (PDRRMC). Ito’y matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang PDRRMC Resolution No. 31 Year 2019 o “Approving the Batangas Provincial Contingency Plan for Tsunami” sa idinaos na 20th regular session ng Batangas, Hunyo 3.

Binuo ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Batangas Provincial Risk Reduction Management Office (PDRRMO), layunin ng contingency plan (CP) na ito na patatagin ang kapasidad ng mga miyembro ng PDRRMC kabilang ang mga Local Government Units (LGUs) sa gabay ng contingency planning.  Ang mga ito ang magtataguyod at magpapatupad ng mga polisiya upang maprotektahan at matiyak ang “constitutional rights to life and property” sa pamamagitan ng pagpapaigting ng mga panukalang batas at alituntunin bilang pamantayan para sa pangkalahatang kaligtasan kung sakaling magkaroon ng tsunami sa lalawigan.

Bukod dito, inaasahang malaki ang maitutulong nito para sa paghahanda sa kalamidad, pagtiyak na mayroong sapat na relief supplies at pagpapatupad ng komprehensibong rehabilitation at recovery measures, lalo na’t maraming coastal areas sa lalawigan.

Kaugnay nito, ang CP ay magiging aktibo lamang kapag nagkaroon ng banta ng tsunami sa lalawigan na siyang tutukuyin ng DOST-PHIVOLCS. Ang 8.2 magnitude na lindol ay maaaring magresulta ng tsunami na posibleng makaapekto sa 14 na munisipalidad at isang lungsod sa Batangas.

Maliban sa lindol, maaari ring maghatid ng tsunami ang submarine o coastal landslides at submarine volcanic eruptions, na higit na mapanganib dahil ang heolohiya ng Batangas ay naiimpluwensyahan ng volcanism, partikular sa Taal Volcano.

Samantala, ang huling naitalang tsunami na nakaapekto sa Pilipinas ay naganap noong 2011 na resulta ng 8.9 magnitude na lindol sa Japan na nakaapekto sa 19 na probinsya sa bansa.

Bago ito, matatandaang ang huling tsunami sa bansa na nagkaroon ng aktwal na casualty ay  naganap sa Verde Island Passage, na nasa sa pagitan ng Batangas at Mindoro Island, noong taong 1994 na nagtala ng 41 casualty. Bagamat bihirang magkaroon ng tsunami sa bansa, hindi ito maaaring ipagsawalang bahala, bagkus ay dapat lalo pang paghandaan.|May ulat ni Marinela Jade Maneja

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

By JOENALD MEDINA RAYOS MOTORISTS and commuters plying the Balagtas-Bolbok Diversion Road in Batangas City who are always caught in heavy traffic especially during rush hours may find solace in the near future as the Depart-ment of Public Works and...
SA patuloy na pagsusulong sa paggamit ng teknolohiyang sisiguro sa pagpapabuti ng nutrisyon at kalusugan ng mga mamamayan, sumailalim ang tatlong MSME technology adopter ng Cavite sa “Virtual Technology Transfer Training on the Production of Enhanced Nutribun Carrot Variant...
THE Philippine government, particularly the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), the Philippine Coast Guard (PCG) and the Department of Environment and Natural Resources (DENR), was rushing on daily basis to contain the spread of an oil...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -