HINDI na naitago ang paghanga at sa halip nagbigay-pugay pa sa lungsod nang bumisita ang mga opisyal ng Susueong-gu, South Korea noong Hunyo 27-30.
Ang delegasyon ay pinangunahan ni Suseong-gu Vice Mayor Donghyun Baek kasama ang mga pinuno ng kanilang iba’t ibang tanggapan.
Layunin ng pagbisita na mapalawig pa ang Sister City relationship ng dalawang lungsod na sinimulan noong administrasyon nina dating Batangas City Mayor Eduardo Dimacuha at Suseong-gu Mayor Kim Hyeong Ryeol noong November 2009.
Hangad ng delegasyon na makatulong sa higit na pagpapaunlad ng turismo at edukasyon ng lungsod kung saan nagkaloob sila ng $3,000 scholarship grant.
Nauna rito, nagkaroon ng presentation sina City Administrator Engr. Sonny Godoy, at Secreatary to the Mayor Atty. RD Dimacuha hinggil sa Batangas City at sa mga naging gawain at proyektong itinaguyod sa ilalim ng sister city agreement
Ipinasyal din ang grupo sa mga makaysaysayang lugar sa lungsod.
Ipinadama naman nina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey ang kanilang mainit na pagtanggap sa mga bisita sa pamamagitan ng isang cultural show ng Likhang Sining Dance Group ng Marian Learning Center & Science High School.
Ipinaabot ni Mayor Dimacuha ang kanyang pasasalamat sa muling pagbisita ng mga opisyal sa lungsod at sa scholarship grant na kaloob ng mga ito.
Nakiisa rin sa okasyon sina Vice Mayor Alyssa Cruz at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod.
Inilarawan ng mga bisita ang Batangas City bilang “wonderful, beautiful at amazing city” dahil anila sa hospitality ng mga Batangueno, ganda ng lungsod at husay ng mga opisyal na naglilingkod dito.| – pr