BISINAGAWA ng Department of Social Welfare and Development – Region IVA ang isang Leadership Training and Teambuilding para sa Regional Federation of Persons with Disabilitities (PWDs) ng CALABARZON sa Cherry Blossom Hotel, Manila, Abril 25-26.
Layunin ng pagtitipon na kilalanin ng mga dumalo ang kanilang mga lakas at kahinaan bilang isang tao at isang pinuno upang mas mapalakas at mahulma ang kanilang mga kasanayan sa pamumuno at upang talakayin ang kahulugan at halaga ng pamumuno sa grupo ng mga PWDs.
Kabilang sa mga dumalo mula sa Lalawigan ng Batangas sina Batangas Province Federation of PWD Associations President Nelson Adante at Persons with Disability Affairs Officer Edwin De Villa. Nakiisa rin sina Regional Director Annie E. Mendoza, mga field officers at staff ng DSWD IV-A, PWD Officers, Person with Disability Affairs Office staff, at Local Government Unit (LGU) focal persons.
Tinalakay rito ang sitwasyon ng mga PWDs sa CALABARZON, mga batas ukol sa mga PWDs, mga paksang may kinalaman sa self awareness, at leadership pagbuo ng team.
Ang bawat kalahok na PWD ay nagbahagi rin ng mga karanasan mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan, at kung ano ang mga naitulong at natutunan sa teambuilding.|Shelly Umali