29.9 C
Batangas

Batas para sa kalikasan, nilalabag ng local leaders?

Must read

- Advertisement -

Civil society groups at mga residente ng Lobo, nagmartsa-dasal

LOBO, Batangas – NAGMARTSA-DASAL ang daan-daang residente ng bayang ito kasama ang mga volunteers mula sa iba;t ibang civi; society groups, sektor ng Simbahan, mga negosyante, manggagawa, at mga mangingisda upang kundenahin ang anila’y pagsalaula ng pamahalaang lokal sa kalikasan at tahasang paglabasa mga umiiral na batas-pangkalikasan.

Sinimulan ang pagtitipon sa pamamagitan ng pag-aalay ng Banal na Misa sa St. Michael the Archangel Parish Church sa pangunguna ni Reb. P. Armando Panganiban, kasama sina Reb. P. Dakila Ramos, Reb. P. Jose Roy Reyes, at Reb. P. Pablito Malibiran ng Archdiocesan Ministry on the Environment (AMEn) ng Arsidiyosesis ng Lipa.

Pagkatapos ng Misa ay nagtipon-tipon sa labas ng Simbahan ang mga nagsidalo, hawak ang mga plakards at flyers na humingi ng kagyat na aksyon para sa linisisan ng karagatan at pagpapatupad ng mga umiiral na bas pampangisdaan.

Nanguna sa gawang ito ang Lobo Preservation Coalition, isang samahang sibiko na nagsusulong ng kagalingang pangkaligtasan at pangkalikasan sa kalupaan at katubigan ng bayan ng Lobo.

Kinundena rin ng koalisyon ang pagpahintulot ng pamahalaang bayan na baliin ang umiiral na batas at ordinansa laban sa paggamit ng mga pinong lambat at pinagbabawal na paraan ng pangingisda at pagtanggal sa 13 kasapi ng bantay-dagat na siyang pangunahing nakatuytok sa pagpapatupad ng batas-pangisdaan.

Partikular na isinisigaw ngayon ng mga nagsipag martsa-dasal ang agarang pagtatanggal sa mga nabanggit ng mga pinong lambat na iniwang nakapulupot sa mga bulaklak-bato at patuloy ng nagwawasak ng mga bahura na siyang pangitlugan at pinamamahayan ng mga isda; gayundin ang pamamana at paggamit ng iba pang mapanirang paraan ng pangingisda.

Sa mga ipinakalat na mga polyetos at babasahin, binigyang-diin ng Lobo Preservation Coalition ang sumusunod:

1. Ang Verde Island Passage ang kinikilala sa buong mundo na sentro ng marine biodiversity at pangunahing pinagkukunan ng kabuhan ng mga mamamayan ng Lobo;

2. Ang pagkasira ng mga bahura at bulaklak-bato dahil sa paggamit ng mga lambat na may mapipinong butas at paggamit ng pana at iba pang mapanirang kagamitan ang dahilan ng mabilis na pagbaba ng populasyon ng mga sila na may malaking epekto sa mga mangingisda at sa lokal na turismo;

3. Kailangang ipatupad ang kagday na pagkilos ng pamahalaan upang matiyak na ipinatutupad ang mga batas pangkalikasan upang mapigilan ang tuluyang pagkasira nito; at

4. Panawagan sa mga mamamayan na manatiling buo at nagkakaisa sa pananawagan sa mga lider ng pamahalaan nag awing prayoridad ang pagpapanatili ng katubigang sakop ng Lobo.

Naniniwala ang Lobo Preservation Coalition na kapag hindi agad agad kumilos upang tugunan ang mga nabanggit na suliranin at ipatutupad ang mga batas at ordinansa ay unti-unti nang mawawalan ng mga isdang mahuhuli sa hinaharap at pati ang turismo ay maaaring bumagsak na rin.| Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

From Apple Original Films and the filmmakers from "Top Gun: Maverick" comes the high-octane, action-packed feature film F1®, starring Brad Pitt and directed by Joseph Kosinski. The film is produced by Jerry Bruckheimer, Kosinski, famed Formula 1® driver Lewis...
Scientists from the University of the Philippines – Diliman College of Science (UPD-CS) have pioneered a simpler, faster, cheaper, and more eco-friendly method to fabricate gold nanocorals by using natural, low-cost acids in water at room temperature. Gold nanostructures have...
SENATOR Alan Peter Cayetano has called for a Senate inquiry into the sudden collapse of the Cabagan-Sta. Maria Bridge in Isabela, with a hearing scheduled for Friday, March 14, 2025. In Senate Resolution No. 1322, Cayetano asked for the Senate...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -