24.4 C
Batangas

Bayad-pinsala sa ASF, ipinamahagi sa mga magbababoy ng Batangas

Must read

“BAGO matapos ang taon, ang mga magbababoy na nakipagtulungan at nagsakripisyo ng kanilang alaga sa DA-4A kaugnay ng pagpigil sa pagkalat ng sakit na African Swine Fever (ASF) ay matatanggap na ang kanilang bayad-pinsala. Ito ay patunay na hindi sumisira sa pangako ang ating pamahalaan.”

Ito ang pahayag ni Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) OIC-Regional Executive Director Vilma M. Dimaculangan sa pamamahagi ng indemnification o bayad-pinsala na muling sinimulan noong ika-18 ng Nobyembre sa Laurel at San Jose, Batangas.

Ito ay matapos mai-release ang pondo mula sa Department of Budget and Management upang mabayaran ang mga natira pang magbababoy na nagsakripisyo ng kanilang baboy sa panahong nagde-depopulate ang DA-4A sa lugar na naapektuhan ng ASF.

Nasimulan nang ipamahagi noong 2019 hanggang 2020 ang P226,931,000 halaga ng indemnification para sa 6,871 na magbababoy sa rehiyon.

Sinimulan na rin ngayong taon ang pamamahagi ng natitirang P79,350,000 halaga ng indemnification sa 536 magbababoy mula sa bayan ng Taal, Cuenca, Nasugbu, Laurel, San Jose, at San Juan sa probinsya ng Batangas at Lucena sa probinsya ng Quezon.

Inaasahang matatapos ngayong taon ang pamamahagi ng indemnification sa natitirang 1,417 na magbababoy sa rehiyon.

“Masaya ako dahil tinupad ng DA ang kanilang pangako na babayaran ang aming baboy. Handa na kaming magsimula uli sa aming babuyan dahil may gagamitin na kaming puhunan,” ani Sofia D. Rodriguez, magbababoy mula Barangay Buso-buso.

Binigyang diin naman ni Regional Director Dimaculangan ang kahalagahan ng pagseseguro ng alagang baboy sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Matatanggap ng mga magbababoy sa PCIC ang tig-P10,000 kung palakihin at P14,000 kung inahin sakaling mamatay ang kanilang alaga dahil sa ASF.|-BNN

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -