Sa kabila ng matinding epekto ng pandemya, ang micro-SMEs (MSMEs) pa rin ang nanatiling taga-sulong ng ekonomiya ng bansa. Kaya patuloy lang ang suporta ng BDO Network Bank (BDONB) upang masiguro na hindi titigil ang kanilang business operation.
“Ang BDO Network Bank ay committed sa pagtulong sa mga MSME dahil importante ang kanilang pag-unlad hindi lamang sa kanilang negosyo, pati na rin sa pagbibigay ng trabaho sa nakakarami sa komunidad,” ani BDONB Senior Vice President at MSME Group Head Karen Cua.
Ang BDONB ay community bank ng BDO Unibank na nagbibigay serbisyo sa mga taong nasa malalayong lugar at hindi naabot o hindi sapat ang serbisyong nakukuha mula sa regular na bangko.
Ang MSMEs ang nagpapatakbo ng ekonomiya ng komunidad dahil sa kanila nagmumula ang pangkabuhayan ng lokal na mamamayan, pati na rin ang mga mahahalagang produkto at serbisyo, paliwanag ni Cua.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang MSMEs ay 99.5% ng mga negosyo sa buong bansa, kung saan 62.4% ng mga trabaho ang nanggaling sa kanila. Ang datos na ito ang nagpapatunay kung bakit kailangan nila ng suportang pinansyal para maipagpatuloy ang negosyo.
Katatagan sa gitna ng pagsubok
Ayon kay Cua, ang mga MSME ay kilala sa pagiging matatag lalo na ngayong pandemya at matiyaga sa pagpapatakbo ng negosyo para masuportahan ang pamilya at ang komunidad.
“Ang mga essential businesses ay nag-adapt sa new normal at sinimulan ang pagbebenta ng kanilang produkto at serbisyo sa pamamagitan ng online selling o streaming, habang ang mga non-essential businesses naman ay nag-shift sa pagbebenta ng essential goods and services,” dagdag pa nya.
Kasama sa pag-unlad
Bilang ka-partner ng mga MSME sa paglago ng kanilang negosyo, ang BDONB ay nagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng Kabuhayan Loan. Ito ay maaaring gamitin na pandagdag puhunan para sa pagbili ng additional stocks, sa pagpapalaki ng negosyo at sa pagbili ng mga gamit tulad ng delivery trucks at iba pang mga equipment.
Paliwanag ni Cua, mabilis at simple lamang ang application process ng Kabuhayan Loan at ito ay nagpapautang ng hanggang P1 million. Bukod dito, ang Kabuhayan Loan ay may abot-kayang monthly installment options at nagbibigay ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa financial management upang ma-maximize ang kapital ng mga negosyante.
Ilan sa mga napiling borrowers ng BDONB ngayon taon ang nabigyan ng BDONB ng free insurance coverage at Kabuhayan Package mula sa SM Appliance at SM Supermarket.
Para sa iba pang mga impormasyon tungkol sa produkto at serbisyo ng BDONB, bisitahin ang www.bdonetworkbank.com.ph o ang official facebook page https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH.