BATANGAS City โ IKINABAHALA ng isang kagawad ng lungsod ang napabalitang talamak na bentahan ng marijuana hindi lamang sa mga pampubliko kundi maging sa mga pribadong eskwelahan sa lunsod ng Batangas
Sa malayang oras ng regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod noong Martes, ย ย sinabi ni Kagawad Allysa Renee Cruz Atienza na mas nakakaalarma na aniya ang mga impormasyong kanyang nakuha na isang estudyante ang nahulihan ng kanyang guro ng isang malaking plastic na naglalalaman ng marijuana.
Nabatid pa na nirerepak umano ito ng nasabing estudyante katulong ang kanyang maliliit na kapatid at ibinebenta sa mga eskwelahan.
Bukod sa school, ibibenta rin umano ang mga nirepak na marijuana sa pamamagitan ng internet kung saan dun din umano ang mga ito kumukuha.
Kamakaialan ay mismong isang piskal sa Lungsod Batangas ang nagpahayag ng pagkabahala sa talamak na bentahang ito ng ipinagbabawal na gamut sa mga paaralan, partikular sa Batangas National High School.
Kaugnay nito humihingi ng tulong ang opisyal sa kinauukulan na paigtingin ang pagpapatupad ng batas at hiniling din ang tulong ng mga kasamahang kagawad na sa pagrebyu ng mga nauna ng batas na naipasa hinggil ditto.|#BALIKAS_News