BATANGAS City โ IKINABAHALA ng isang kagawad ng lungsod ang napabalitang talamak na bentahan ng marijuana hindi lamang sa mga pampubliko kundi maging sa mga pribadong eskwelahan sa lunsod ng Batangas
Sa malayang oras ng regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod noong Martes, ย ย sinabi ni Kagawad Allysa Renee Cruz Atienza na mas nakakaalarma na aniya ang mga impormasyong kanyang nakuha na isang estudyante ang nahulihan ng kanyang guro ng isang malaking plastic na naglalalaman ng marijuana.
Nabatid pa na nirerepak umano ito ng nasabing estudyante katulong ang kanyang maliliit na kapatid at ibinebenta sa mga eskwelahan.
Bukod sa school, ibibenta rin umano ang mga nirepak na marijuana sa pamamagitan ng internet kung saan dun din umano ang mga ito kumukuha.
Kamakaialan ay mismong isang piskal sa Lungsod Batangas ang nagpahayag ng pagkabahala sa talamak na bentahang ito ng ipinagbabawal na gamut sa mga paaralan, partikular sa Batangas National High School.
Kaugnay nito humihingi ng tulong ang opisyal sa kinauukulan na paigtingin ang pagpapatupad ng batas at hiniling din ang tulong ng mga kasamahang kagawad na sa pagrebyu ng mga nauna ng batas na naipasa hinggil ditto.|#BALIKAS_News
INAASAHANG tuluyan nang maipatutupad ang Desisyon ng Kataas-taasang Hukuman para sa just share ng mga local government units (LGUs) sa mga buwis na nakokolekta ng pamahalaang nasyunal sa malapit na hinaharap.
Ito’y matapos maghain ng mosyon si Batangas Gov. Hermilando I. Mandanas para magkaroon na ng Entry of Finality of Judgement ang desisyon sa kasong G.R. No. 208488 na ipinalabas ng Kataas-taasang Hukuman noong Hulyo 26 .
Sa Desisyon ng Korte Supremaย na sumasang-ayon sa consolidated petition na iginiit na ang โjust shareโ o Internal Revenue Allotment (IRA) na natatanggap ng mga pamahalaang lokal, ayon sa itinatadhana ng 1987 Constitution, ay dapat nanggagaling sa lahat ng national taxes at hindi lamang mula sa National Internal Revenue o buwis na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Isinumite ni Mandana ang mosyon matapos maghain ng Motion for Reconsideration ang national government, sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General, para lamang sa desisyon sa petisyong nakapaloob sa G.R. No. 208488 na ipinalabas ng Kataas-taasang Hukuman noong Hulyo 26 .
Nakasaad sa motion ng mga petitioners na inihain sa Supreme Court En Banc noong Agosto 28, 2018, na dahil dito, ang desisyon ng Korte Suprema, partikular ang nakasaad sa paragraph 2 ng Dispositive portion nito na sumasang-ayon sa Petisyon sa G.R. No. 199802 patungkol sa pagsasama sa mga buwis na nakokolekta ng Bureau of Customs (BoC) at iba pang tax collecting agencies sa bahagi ng mga buwis kung saan dapat kinukuha ang โjust shareโ ng mga pamahalaang lokal ay nagkaroon na ng Finality o dapat nang ipatupad.
Matapos ang huling araw (Agosto 10, 2018) na nakatakda upang mag-sumite ng Motion for Reconsideration ang pamahalaang nasyunal, wala nang natanggap na karagdagang mosyon mula sa mga respondents na kumukwestyon sa pagsasama ng National Internal Revenue taxes (NIRT) mula sa BoC sa tax base.
Paglilinaw ni Gobernador Mandanas, tinatayang madaragdagan ng P250 bilyon sa taong 2019 ang IRA ng LGUs.ย Binigyang-diin din niyang isa itong makabuluhang hakbang patungo sa isang tunay na local autonomy kung saan ang mga serbisyon ng mga ahensya ng pamahalaang nasyunal ay ipinasa na sa mga LGUs sa pamamagitan ng debolusyon ay mapaglalaanan na ng pondo.
Sa kanyang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte, ipinaala ni Gov. Mandanas na kagaya ng napagtalakayan nila na ang mga basic services ay ibinigay sa mga LGUs para sa implementasyon subalit ang malaking bahagi ng pondo ay naiwan sa pamahalaang nasyunal.ย Ang SC decision na ito ay ambag upang maisaayos ang kakulangan sa pagpapatupad ng otonomiya na nakapaloob sa Local Government Code.|#BALIKAS_News
STO. TOMAS, Batangas โ MATATTANGGAP na ng mga depsoitor ng nagsarang Tiaong Rural Bank, Inc. ang pagbabalik ng kanilang mga deposito na may halagang P100,000.00 pababa simula ngayong araw.
Ayon sa pahayag ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), nagsimula ng magpadala ng balik-deposito sa pamamagitan ng Postal Money Orders (PMOs) ngayong Martes, Agosto 28, o 15 araw matapos magsara ang TRBI noong Agosto 3.
Kabilang sa mga kwalipikadong tumanggap ng kanilang balik-deposito ay yung ang mga natitirang balanse sa kanilang mga deposito sa nagsarang bangko ay hanggang P100,000.00 lamang, at walang anumang pananagutan o pagkakautang sa TRBI, at may kumpletong mailing address sa record ng PDIC.
Pahayag pa g PDIC, lahat ng tseke o PMO na may halagang PhP15,000 pababa ay maaaring papalitan ng cash sa alin mang lokal na tanggapan ng Philippine Postal Corporation o pinakamalapit na sangay ng Land Bank of the Philippines. Samantala ang mga tseke o PMO na may halagang hihigit pa sa P15,000 ay kailangang ideposito muna sa alin mang lokal na bangko.
Isinara ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Tiaong Rural Bank sa bisa ng Resolution No. 1240 na may petsang Agosto 2, 2018. Ang TRBI ay may punong tanggapan sa #2497, Maharlika Highway, Brgy. San Antonio, Santo Tomas, Batangas at may pitong sangay sa Batangas City at Lipa City sa Batangas; Imus, Cavite; Calamba, San Pablo City at Sta. Rosa City sa Laguna; at sa Tiaong, Quezon.|#BALIKAS_News
IBAAN, Batangas โ MATAPOS ang mahigit 25 taon ay muling nagkaroon ng 10 bagong silid- aralan ang Lucsuin Elementary School sa Brgy. Lucsuin, bayang ito na pinursige ni Congresswoman Lianda Bolilia ng Ika-4 na Distrito ng Batangas na maipatayo katuwang ang pamahalaang bayan ng Ibaan sa ilalim ng liderato ni Mayor Danny Toreja, gayon din ang mga magulang at mga guro na silang nagsulong sa proyekto.
Kakaiba sa karaniwang silid-aralan, ang mga bagong silid aralan na ginawa ng Mak-Jay Construction ay may curved chalk board flat screen television na makatutulong sa mga mag-aaral at sa guro upang mabilis na maunawaan ng mga estudyante ang itinuturo ng kanilang mga guro.
Ayon kay Congresswoman Bolilia, nagkakahalaga ng P20-milyon ang ipinagpagawa ng nasabing silid-aralan na mula sa pondo ng pamahalaang nasyunal na sinuportahan ng pamahalaang bayan ng Ibaan.
Lubos naman ang pasasalamat ng lahat ng guro sa nasabing paaralan dahil sa tagal ng panahon na kanilang ipininag-intay ay ngayon lang nagkaroon ng katuparan ang matagal na nilang pangarap.
Laking katuwaan din ang naramdaman ng mga mag-aaral ng Lucsuin Elementary School sa kanilang bagong silid-aralan.
โNagpapasalamat po ako sa ating mga teachers, kay Congreswoman Bolilia at kay Mayor Toreja dahil maganda na po ang aming room. Madali na po kaming matututo sa aming mga pinag-aaralan dahil may tv at maluwag na po ang aming room. Salamat po sa lahat ng tumulong,โ pahayag ng isang estudyante.
Lubos din naman ang pasasalamat ni Congresswoman Lianda Bolilia sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng barangay Lucsuhin at sa mga nakatuwang sa proyekto.
โWala kayong dapat ipagpasalamat, at wala dapat kayong tanawing utang na loob sa akin, kung tayoy nakakatulong at nakakagawa ng ganitong mga bagay, itoโy aking nagagawa dahil sa aking tungkulin. Sa lahatย ng ating ginagawa, wala tayong hinihinging kompromiso kahit kanino man, dahil noong kampanya ay akoy nangako na tutulong sa lahat,โ pahayag ng kongresista.
Aniya pa, โumiikot tayo sa baramgay hindi dahil sa pulitika, dahil kung sa pulitika lang ay sa panahon lang ng kampanyaan lang ako iikot. Pero simula noong akoy maupo akoy umikot na sa lahat ng barangay gaya dito sa ibaan, at walang barangay ang makakapagsabi na hindi ko sila napuntahan. Itong ating bagong silid-aralan ay nagawa dahil sa pagtutulong-tulong ng ating mga kasama. Kung hindi natin katulong ang lokal na pamahalaan, mga guro at mga magulang, hindi natin magagawa ang proyektong ito,โ dagdag pa ni Congresswoman Bolilia.|#BALIKAS_News
LUCENA City, Quezon โ MULING pinatunayan ng tatlong (3) component city ng Lalawigan ng Batangas ang kahusayan ng bawat isa sa paghahatid ng serbisyong pangmadla nang kilalanin bilang mga child-friendly cities ng CALABARZON.
Sa isinagawang Regional Awarding Ceremony sa Quezon Convention Center, lunsod na ito noong isang Lunes, Agosto 20, pawang tumanggap ng โSeal of Child-Friendly Local Governance Awardโ ang Lungsod ng Tanauan, Lungsod ng Lipa at Lungsod Batangas
Ang paggagawad ng SCFLG ay isang programang magkatuwang na inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Interior and Local Government (DILG) noong Oktubre 2014 upang isulong ang mga โchild-sensitiveโ at โchild-friendlyโ programs sa lahat ng local government units (LGU) sa buong kapuluan.
Kabilang sa mga pamantayan ng SCFLG ang pagbaba ng porsiyento ng mortality rate ng mga batang nasa 5-taong gulang pababa; pagbaba ng bilang ng mga batang nasa 6-taong gulang pababa na wala sa normal na timbang; pagtaas ng bilang ng mga batang nasa 3-4 na taong gulang na sumasailalim sa center-based day care services;completion rate ng mga batang nakakapagtapos ng elementarya; at kawalan o pagbaba ng bilang ng mga โchild labor casesโ.
Kabilang rin sa pamantayan ang pagbaba ng bilang ng mga bata na nakararanas ng pang-aabuso, karahasan, kapabayaan at pananamantala; kasiguruhan ng kaligtasan ng mga bata sa komunidad at mga paaralan; pagpapalaganap ng mga karapatang pambata; pagkakaroon ng Barangay Violence Against Women and their Children (VAWC) desks; Philhealth accreditation sa mga health facility at rural health unit para sa mga pasyente sa ilalim ng Maternal Care Services and Primary Care; Local School Board (LSB) Plan at implementasyon ng naturang plano.
Para sa Lungsod ng Lipa, personal na tinggap ni Mayor Meynard Sabili ang Plake ng Pagkilala, kasama ang kaniyang mga katuwang sa serbiyo-publiko โ sina Chief of Staff Bernadette P. Sabili; City administrator Atty. Leo Latido; CSWD officer Lerma Laylo at iba pang hepe ng mga opisina at departamento.
Kabilang ang Lungsod ng Lipa sa mga nakakuha ng 100% puntos na siyang batayan sa seleksyon ng mga awardee.
Sa ilalim ng Sabili administration, ang Lungsod ng Lipa ay nagpatayo ng Lipa City Welfare Village, ang kauna-unahang pasilidad sa CALABARZON na may sariling Bahay ng Pag-Asa para sa mga tinatawag na children in conflict with the law bukod pa sa Bahay na Kuya na isang rehabilitation center para sa mga dating addict na nagbabagong buhay na.
โMaraming salamat po sa DSWD at DILG sa pagkilala sa ating mga pagsisikap na maisaayos ang mga programa para sa mga bata. At congratulations sa lahat ng ating chiefs of offices, lahat ng mga empleyado ng local na pamahalaan ng Lipa, dahil hindi natin ito makakamit kung hindi dahil sa inyong suporta, pakikiisa at pagtutulungang maiayos ang ating mga programa para sa mga bata. Para ito sa ating lahat,โ pahayag pa ni Mayor Sabili.
Tanauan City
Ito naman ang ikatlong pagkakataon ng Lungsod ng Tanauan na mahirang bilang SCFLG Awardee.
Sa ngalan nina City Mayor Atty. Jhoanna Corona-Villamor, City Vice Mayor Benedicto Corona at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, dumalo para tanggapin ang โSeal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG) Awardโ na iginawad sa lungsod ng Tanauan sina Quennie Malleon, City Local Government Operations Officer (CLGOO); Jennifer Mora ng City Planning and Development Office (CPDO); Elaine P. Caringal ng City Social Welfare and Development (CSWD); at Xander Castillo ng Dep-Ed Tanauan.
Batangas City
Kasama naman ni CSWD Officer Mila Espaรฑola si City Planning and Development Office coordinator Januario Godoy sa pagtanggap ng Plake para sa Lungsod ng Batangas.
Binanggit ni Espaรฑola na nakita ng mga evaluators ang magandang programa ng city government para sa mga child laborers, street children, children in conflict with the law, at biktima ng karahasan. โMayroon man tayong mga ganitong kabataan ay nakita naman nila kung paano natin i-address ang mga isyu at problema, ang maayos na aksyon at maingat na paghawak o proseso ng mga kaso na may kaugnayan sa mga kabataan, at may mga preventive measures din tayo, โdagdag pa ni Espaรฑola.
Nakita rin ng mga evaluators ang programa para sa mga children with disabilities, lalo na at may bagong Office of Persons with Disabilities Affairs (OPDA) at mataas na bilang ng Special Educatioon (SPED) schools sa lungsod, kung saan dito rin nag-aaral kahit mga taga ibang bayan.|May balita nina Maria Teresa S. Buรฑo at Marie V. Lualhati
KAPITOLYO, Batangas โ NABIBILANG na nga ang araw ng mga pasaway na drayber at ilalapat na ng pamahalaan ang kamay na bakal upang maging kapaki-pakinabang sa publiko ang mga pinaluwang na mga kalsada at matiyak ang disiplina sa lansangan.
Ito ang pahayag ni Board Member Arthur โBartโ Blanco ng Batangas City Lone District matapos makapasa sa ikalwang pagbasa ang kaniyang inakdang panukalang Ordinance on Transport and Road Usage in the Province of Batangas, and for Other Purposes.
Ani Blanco nakakapanghinayang ang pondo ng pamahalaan na ginamit upang mapaluwang ang mga kalsada kung hindi ito magagamit nang maayos dahil sa kawalangn disiplina ng mga drayber o ng mga may-ari ng mga sasakyan.
Aniya pa, isang malaking factor sa pagsulong ng lalawigan o sa pag-unlad ng bansa ang maayos na mga lansangan at maayos na pangangasiwa ng trapiko kung kayaโt kailangang may isang matibay na ordinansa na may ngipin upang maipatupad nang maayos.
Masasaklaw ng nasabing panukalang ordinansa ang lahat ng mga national at provincial highways sa nasasakop ng Lalawigan ng Batangas. Nilinaw ni Bokal Blanco na hindi nito sasakupin ang mga municipal at city roads at ang mga ito naman ay nasa pangangasiwa ng kani-kaniyang munisiyo o syudad.
Matatandaang noon pa mang Hulyo 2016 at Nobyembre 2017 ay naging paksa na ng Privilege Speech ni Blanco ang panukalang ito.
Ayon kay Blanco, matagal na niyang inirerekomenda ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Provincial Public Order and Safety Services (PPOSS) na maging deputized personnel o agents ng Land Transportation Office (LTO) sa pangangasiwa ng trapiko at mga lansangan sa lalawigan.
Aniya, matagal na ring inihayag ng nasabing ahensya na nakahanda silang i-deputize ang PPOSS personnel. Bukod aniya sa masosolusyunan ang problema sa trapiko ay magiging source of revenues para sa lalawigan.
Nilinaw naman ng bokal na ang ibig niyang ipakahulugan sa โpangangailangan ng kamay na bakal sa pangangasiwa ng trapikoโ ay hindi ang pagsasamantala o hindi pag-iral ng batas, manapa ay ang pantay na pagpapatupad saan mang bahagi ng lalawigan.
Kapag PPOSS na umano ang nangasiwa ng trapiko, maiiwasan ang padrino system o palakasan at pamumulitika sapagkatย hindi maaaring lakarin o ipakiusap ng malalapit sa mga alkalde o ginagawang dahilan ang pagiging malapit sa mga alkalde o iba pang opisyal ang pagsuway sa batas trapiko.
Sa ilalim ng sistemang ito, ipinanukala rin ang paghila (towing) sa mga sasakyang iligal na nakaparada sa mga hindi itinakdang paradahan gaya ng mga gilid ng kalye, dahilan upang hindi magamit ng maayos ang mga pinaluwang na mga kalsada sa lalawigan.| #BALIKAS_News
DIYOS ko! Sana naman ay matapos na ang krisis sa NAIA. Amen! Sana naman po ay managot ang dapat managot. Xiamen!
Tuloy pa rin ang pag-angkat ng shabu gamit ang Customs. Nakaka-adwana na talaga!
P5 milyon ang patong sa ulo ng mga pulis na sangkot sa droga. Matutukso na dito ang asawa at GF ng ninja cop.
Wala sa listahan ng mga senatoriables ng PDP-Laban ang pangalan ni Mocha Uson. Ayon kay PDP-Laban Chairman Koko Pimentel ay bahala na si P-Digong kung isasamaย siya o hindi.
Paboritong mananalo ang Gilas Pilipinas sa Asian Games sa Indonesia. Salamat sa mga imports!
Bilyong pisong halaga ng tone-toneladang smuggled na bigas ang binubulok lang sa bodega. Dapat ibigay na lang ang mga ito sa mga mahihirap kesa mailahok pa sa mamahaling bigas ng mga traders.
Nagmahal daw nang husto ang presyo ng itlog sa palengke, Ang medyo basag daw lang ang mura at kalahati ang presyo. Sana ipag-utos ng pamahalaan na basagin na lang ang mga itlog!
Ibinulgar ng COA na P565 bilyon ang nawawala sa kaban ng bayan sa ibaโt ibang tanggapan ng gobyerno dahil korupsiyon. Hindi lamang habagat ang problema ng bansa kundi pati pagbaha ng korupsiyon at shabu sa Duterte administration.
Gusto na raw magbitiw ni P-Duterte sa posisyon dahil sa di-mapigilang korupsiyon sa pamahalaan. Sa halip na magmura ay nagbibiro na lang siya ngayon. O baka naman takot siyang mahawa.
Sa isyu nang pagbibitiw ng pangulo ay nasasabik na raw ang Tropang Dilawan. Puro nga naman paasa at wala namang natutupad!
Kapag daw nakahuli si Senator Pacquiao ng drug lord ay ipa-firing squad niyang mag-isa ito. kaya lang ay walang batas pa sa death penalty. Kung hindi raw pwede ang musketry ay musket-one na lang!
Maraming dapat mag-ingat sa month of August.ย Ghost month daw kasi.
Segurado daw babahain ang McArthur Bridge kapag natuloy ang Bulacan International Airport, kasi ekta-ektaryang palaisdaan ang tatambakan ng lampas-tao. Wala pa ring aksiyon ang Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlalawigan kasi baka raw nakatanggap na ng payola sa SMC project na ito.
Mayroong conflict of interest si dating DOT Secretary Wanda Teo at kanyang mga kapatid na Tulfo Brothers hinggil sa kontrobersiyal na P60 milyon ads sa TV kaya dapat daw ibalik ito.ย Ayon naman kay Ben Tulfo ay hindi siya tulad ni General Mc ArthurโI shall not return!
Hindi raw alam ni Wanda Teo na sa kanyang mga kapatid ang programang Kilos Pronto, kaya pinirmahan niya ng P60 milyon TV ads para sa mga ito. Hay naku! Talagang wala nang maibabalik!
Unti-unti na raw pumapalag si P-Digong sa harapang pambu-bully ng China sa ating bansa. Totoo kaya ito o kunwari lang?
Hindi na mareresolba ang illegal drugs kapag laganap ang korupsiyon lalo na sa mga LGUs at law enforcers. Kasi sila ang tumatanggap ng milyones na padulas mula sa mga drug lords.
Tuloy ang joint explorationย sa West Philippine Sea. Basta huwag lang papalag si Trillanes.
Kahit sino ang makalamang sa partihan sa joint exploration ay ok slang kesa walang pakinabang.Kasi wala namang puhunan at kakayahan ang mga Pinoy sa ganyang uri ng negosyo.
Kaya raw ilang araw na hindi nagpapakita si P-Duterte ay comatose daw siya ayon kay Joma. Pero ayon kay Secretary Bong Go ay walang coma at nasa kama lang si P-Digong at nagpapahinga. Papalitan na raw ng pangulo ang letter J ng letter C sa pangalan ni Joma para maging Coma!
Hindi na natuloy ang solo driver ban sa EDSA ng MMDA. Nauntog na ang mga opisyal na tulig!
Sinibak na si Chot reyes sa Gilas Pilipinas.Hindi kaya niya awayin ang mga ito?
Bagong coach ng Gilas si yeng Guiao. Pwede na siyan kumadidatong governor ng Pampanga.|
CALLING the attention of Batangasโ creditors and investors who may have infused capital or with any claims against the closed Womenโs Rural Bank, Inc.
The Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), the liquidator of the closed Womenโs Rural Bank, announced that creditors of the closed bank may only file their claims against the bankโs assents until September 23, 2018. Claims filed after said date shall be disallowed.
Creditors refer to any individual or entity with a valid claim against the assets of the closed Womenโs Rural Bank and include depositors with uninsured deposits that exceed the maximum deposit insurance coverage (MDIC) of PhP500,000.
Claims must be at the PDIC Public Assistance Center located at the 3rd Floor, SSS Bldg., 6782 Ayala Avenue corner V.A. Rufino St., Makati City, Monday to Friday, 8:00 AM to 5:00 PM, except holidays. Creditors also have the option to file their claims through mail addressed to the PDIC Public Assistance Department, 6th Floor, SSS Bldg., 6782 Ayala Avenue corner V.A. Rufino St., Makati City. The prescribed Claim Form against the assets of the closed bank may be downloaded from the PDIC website,ย www.pdic.gov.ph. The Corporation also reiterated that creditors should transact only with authorized PDIC personnel.
In case claims are denied, creditors shall be notified officially by PDIC through mail. Claims denied or disallowed by the PDIC may be filed with the liquidation court within sixty (60) days from receipt of final notice of denial of claim.
However, in addition, PDIC said that depositors with account balances of more than the MDIC of PhP500,000 who have already filed claims for the insured portion of their deposits are deemed to have filed their claims for the uninsured portion or the amount in excess of the MDIC.
PDIC, as Receiver of closed banks, requires personal data from creditors to be able to process their claims and protects these data in compliance with the Data Privacy Act of 2012.
It can be recalled that the Monetary Board (MB) of the Bangko Sentral ng Pilipinas ordered the closure of Womenโs Rural Bank on July 12, 2018 and as the designated Receiver, PDIC was directed by the MB to proceed with the takeover and liquidation of the closed bank in accordance with Section 12(a) of Republic Act No. 3591, as amended. The bankโs Head Office is located at 29-A Carandang St., Barangay C (Pob.), Rosario, Batangas. Its lone branch is located in Brgy. Bihis, Santa Teresita, Batangas.|#BALIKAS_News
BATANGAS City,ย Philippines — BEING able to cook tasty yet healthy food, in a limited amount of time, is an essential part of a happy lifestyle. However it can be difficult, and time consuming, to find cooking methods that are low in fat, and also produce great-tasting results.
In todayโs urban landscape, most people are so involved in their hectic schedules that they fail to maintain a balanced lifestyle and studies reveal that Filipinos are increasingly becoming more conscious of staying healthy.
Philips, a global leader in kitchen appliances, strives to make the world healthier and more sustainable through innovation. With its long history, Philips understands the needs and desires of consumers and has a strong heritage of delivering innovation that improves lives – to people, to homes and families.
As the brand reaffirms and strengthens its advocacy in motivating Filipinos from all ages and all walks of life to make healthier choice, Philips kicks off itsย #NothingBeatsHealthyEats Caravan to encourage Filipinos to adopt a healthier lifestyle.
#NothingBeatsHealthyEats Caravan
Together with celebrity mommy, Bettina Carlos; celebrity chef, Martin Jickain; and restaurateur Chef Edward joined forces to put together a healthy spin on a menu of Filipino favorites in Batangas.
Pia Umayam, Philips Personal Health Lead said, โAt Philips, our goal is to enable families to prepare healthy, homemade food easily and more often.We believe that food is essential to healthy living and enjoying life, something our product range and innovations are centered around. These smart kitchen solutions are aimed at making it easier and simpler to cook tasty, nutritious food at home.โ
Healthy Kitchen Solutions
Philips, asa company who understands the hearts and minds of home cooks across generations, share its latest healthy kitchen solutions.
Rapid Air technology for healthier frying with PhilipsAvanceAirFryer
The revolutionary Airfryer took the world of home cooking by storm in 2011, bringing consumer oil-less fried food.
With its unique Rapid Air technology it enables you to fry, bake, roast and grill the tastiest snacks and meals with less fat than a conventional fryer, by using little or no oil! Philips Airfryer with Rapid Air technology also creates less smell than conventional fryers, it is easy to clean, safe and economical for your daily use!
The trusty rice cooker that cooks beautifully and withstands more scratchesย – Philips Avance Collection Sensor Touch Rice Cooker
Philips is introducing a new range of rice cookers that are especially designed to give busy moms a convenient, reliable way to whip up great-tasting rice every time.
It features a unique five-layer inner pot that is non-stick for easy cleaning and anti-scratch for enhanced durability, this rice cooker promises a longer lifespan.
Tasty rice makes the whole meal more enjoyable and the way of cooking plays an important role.
You got it all with Philips with Philips All in One Cooker
With intelligent cooking system, you can slow cook, pressure cook and multi cook all in the one machine. Its aluminum alloy inner pot is durable and offers more effective heat conduction.
Itโs easy to program timer indicates the cooking progress.
Beat the heat with your favorite smoothies using The Avance Collection Blender
This Philips blender can handle just about anything – from fruits and vegetables to ice. Its multi-speed function will blend, crush and cut for perfectly smooth blending and any consistency you want.
Create your own noodles using Philips Avance Noodle Maker. Its 360-degree extrusion technology allows you to enjoy fresh and tasty noodle in just 10 minutes. You can create all kinds of flavors by adding various ingredients like eggs or vegetable juice.
Pia Umayam, Philips Personal Health Lead said,โPhilips kitchen appliances continue its commitment to innovating solutions to provide consumers with healthier, tastier and more efficient ways of preparing homemade meals, more frequently.โ
To find more about Philipsโ healthy lifestyle innovations, log on to www.philips.com.ph
Philips, a global leader in kitchen appliances, reaffirms and strengthens its advocacy in motivating Filipinos from all ages and all walks of life to make healthier choice. To further encourage Filipinos to adopt a healthier lifestyle, Philips kicks off #NothingBeatsHealthyEats caravan in different areas across the nation.
From a very successful leg in Davao last month, celebrity mommy, Bettina Carlos; celebrity chef, Martin Jickain; and restaurateur Chef Edward will storm Batangas with their healthy and friendly cook off challenge using healthy kitchen solutions, as they put some spin on a menu of Filipino favorites this Monday, August 20, 5:30PM at the Mall Atrium 2 – SM City Batangas.
It would be an extraordinary afternoon full of fun. See you there! – PR