By JOENALD MEDINA RAYOS
BATANGAS City – TINULDUKAN na ang mga agam-agam at usap-usapang may ipapasok na substitute candidate sa pagkabise-gobernador ng Batangas kapalit ni Reynan Bool ng Pederalismong Dugong Dakilang Samahan (PDDS).
Bagaman at mabilis na kumalat ang mga usap-usapan sa social media nitong mga nakalipas na linggo na aatras si Bool kapalit ng pagpasok ng isang kandidato para itapat kina dating Bise-Gobernador Mark Leviste at dating Bise-Gobernador Richard G. Recto, ngunit hanggang sa magsara ang tanggapan ng COMELEC – Batangas Provincial Election Office nitong Biyernes ng hapon, wala ni isa mang indibidwal na dumating para magsumite ng Certificate of Candidacy (CoC) bilang substitute candidate.
Ayon sa itinakda ng Comelec na Calendar of Events kaugnay ng May 13 Synchronized National and Local Elections, may panahon pa hanggang alas-singko ng hapon ng Nobyembre 29, 2018 upang mag-withdraw ang mga nagsipaghain ng Certificate of Candidacy at mag-endorso ng kapalit (substitute) na kandidato ang mga partido pulitikal.
Bago ito ay napabalitang aatras sa kandidatura si Bool at alin man kina G. Danilo Berberabe ng Batangas City at dating Board Member Dexter Buted ang sinasabing ipapalit sa kaniya.
Pasado alas-singko ng hapon, bumulaga sa social media ang post ni Leviste na kasama niya sa larawan si Berberabe na ayon sa isang source ay nag-usap ang dalawa upang hindi na tumuloy ng pagkandidato si Berberabe bilang panapat kina Leviste at Recto.
Unang pumasok si Berberabe sa mundo ng pulitika nang tumakbo sa pagka-Board Member noong 2013 local elections kapalit ng namayapa niyang kapatid na si dating BM Godofredo ‘Jun’ Berberabe, Jr.; saka muling tumakbo sa pagka-konggresista ng Batangas City Lone District noong 2016.
Maaala namang nagresigned si Buted bilang bokal noong 2014 nang naman, nang mag-apply at mahirang na pangulo ng Pangasinan State University. Si Buted ay bilas ay bilas ni Bool.|#BALIKAS_News