By JOENALD MEDINA RAYOS
IBAAN, Batangas – (Updated) ANIM na katao kabilang ang dalawang Chinese nationals ang naaresto ng otoridad sa isang hinihinalang shabu laboratory sa bayang ito, Huwebes ng umaga.
Sa initial report ng Ibaan Municipal Police Office sa Batangas Provincial Police Office, nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Ibaan Municipal Police Station bandang alas singko y media ng umaga, Huwebes, sa barangay Sto. Nino, sakop ng bayang ito.
Matapos ireklamo ng mga residente ang umano’y masangsang na amoy na nagmumula sa Hingoso Farms sa naturang lugar, ni-raid ng mga operatiba ang pasilidad at tumambad sa mga ito ang isang hinihinalang shabu laboratory na nagresulta sa pagkumpiska ng controlled precursor at mga mahahalagang kemikal sa paggawa ng shabu.
Batay sa pagtaya ng PDEA nasa tatlong lingo pa lamang nag-o-operate ang naturang shabu lab na kayang magprodyus ng hanggang 25 kilo ng shabu kada araw.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad sa insidente.|#BALIKAS_News