BATANGAS City — Isinagawa ng Pilipinas Shell Petroleum Corpo-ration, Pilipinas Shell Foundation, Inc., Shell Business Operations Women Empowered Network at Malampaya Foundation Inc. ang turn-over ceremony ng face masks para sa 16,180 mag-aaral, health kits na naglalaman ng PPE suits, face mask, face shields at 15 internet modem para sa 15 paaralan sa Schools Division of Batangas City, Agosto 19.
Sa kabila ng pagsasara ng 58 taong gulang na Tabangao Shell Refinery sa Batangas City, ipinakita pa rin ng pamunuan nito ang pagmamalasakit sa kanilang host barangays sa pamamagitan ng pagkakaloob ng nasabing donasyon sa 11 elementary schools at apat na high schools na nasa TALIM-TSR area.
Lubos ang pasasalamat ni Dr. Felizardo Bolanos, OIC-Schools Division Superintendent sa malaking tulong na kaloob sa kanila ng nasabing kompanya.
Nagkaloob din ang Pilipinas Shell Foundation Inc. ng dalawang sasakyan sa Gulod National High School bilang suporta sa Automotive Servicing Curriculum nito.
Ayon kay Darlito Guamos, External Relations Manager ng PSPC, ang mga face mask, PPE suit at face shields ay gawa ng mga myembro ng SIBBAP cooperative ng barangay Ambulong.|- Liza P. de los Reyes