25 C
Batangas

BSP, nag-strike 3 sa Batangas; TRBI sarado na rin!

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

STO. TOMAS, Batangas – BAGO pa lamang nagsisimulang magbayad ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ng mga valid deposits ng nagsarang Women’s Rural Bank, Inc., isa na namang bangko rural sa Batangas na may operasyon sa Southern Luzon ang ipinasara ng Bangko Sentral ng Pilipinas nitong Huwebes, Agosto 2, 2018.

- Advertisement -

Sa pamamagitan ng Resolution No. 1240 ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ipinagbawal na ang pagnenegosyo sa Pilipinas at tuluyang isinara ang Tiaong Rural Bank, Inc. (TRBI) at inutusan ang PDIC na kaagad sumaklolo bilang Receiver at simulang i-takeover ang bangko upang masimulan ang liquidation nito.

Kagaad namang kumilos ang PDIC, kaya’t noong Biyernes, Agosto 3, nagulat ang mga depositor ng TRBI na sarado nap ala ang naturang bangko.

Ang TRBI ay may punong tanggapan sa #2497, Maharlika Highway, Brgy. San Antonio, Santo Tomas, Batangas; at ang pitong sangay nito ay matatagpuan sa Batangas City at Lipa City sa Batangas; Imus, Cavite; City of Calamba, San Pablo City at Sta. Rosa City sa Laguna; at sa Tiaong, Quezon.

Batay sa pinakahuling rekord noong Hunyo 30, 2018, ang Tiaong Rural Bank ay may kabuuang 18,471 deposit accounts na may katumbas na pananagutang P 891.7 milyon. Katumbas ng 89.1 % ng mga deposito ay nakaseguro sa PDIC sa halagang Php 794.2 milyon.

Tiniyak naman ng PDIC na lahat ng valid deposits ay ssasagutin ng seguro hanggang Php 500,000. Ang mga indibidwal na depositor na may balanseng aabot sa Php 100,000.oo pababa ay maaari na kaagad makuha ang kanilang deposito hanggat ang kanilang mga detalye ng account ay updated pa sa bangko. Sa mga hindi updated, maaaring mag-update hanggang Agosto 17 o sa loob ng 15 araw pagkasara ng bangko. Ang may malalaking deposito naman o may mga pagkakautang ay maaring makipag-ugnayan na sa tauhan ng PDIC na nasa mga sangay ng TRBI.

Ubnlucky 7th , strike 3!

Ang Tiaong Rural Bank, Inc. ay ang pang-pito na sa mga problemadong bangko sa bansa na isinara ng BSP-Monetary Board simula Enero ngayong taon. Kasabay ng TRBI na isinara noong Huwebes ay ang Rural Bankof Sta. Elena (Camarines Norte), Inc. (Resolution No. 1239.A).

Ang TRBI rin ay pangatlo na sa Lalawigan ng Batangas kasunod ng Empire Rural Bank, Inc. sa Lunsod ng Lipan a nagsara noong Pebrero, at ng Women’s Rural Bank na may mga sangay sa mga bayan ng Rosario at Sta. Teresita, kapwa sa Batangas, na nagsara naman noon lamang Hulyo 13.   http://www.balikas.net/bangko-sa-batangas-isinara-ng-bsp-4300-depositor-apektado/

Samantala, ang iba pang tatlong isinara ngayong taon ay ang Bangko Buena Consolidated Inc. na nakabase sa Iloilo, Rural Bank of Initao (Misamis Oriental) Inc., at ang Rural Bank of Loreto (Surigao del Norte) Inc.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest article