27.8 C
Batangas

Buhos ng pakikiramay, ipinadama sa pagyao ni Mayor Vice Jurly

Must read

- Advertisement -

BUMUHOS ang pakikiramay sa unang araw ng burol ng Kgg. Gaudioso Manalo, kilala ring “Mayor Vice Jurly” nitong Linggo, Agosto 25, sa Manila Memorial Park.

Kabilang sa mga kauna-unahang bumisita sina former Congressman Ranie Abu, DILG Secretary Benhur Abalos, DA Asec Dr. Dante Palabrica, Batangas Governor Hermilando I. Mandanas, Vice Governor Mark Leviste at mga punumbayan buhat sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan ng Batangas.

“Ikinalulungkot natin ang biglaang paglisan ni Mayor Vice Jurly; isang kilalang lider at lingkod-bayan na may tunay na puso ng paglilingkod sa kaniyang mga kababayan. Hindi matatawaran ang naging kontribusyon ni Mayor Vi ce Jurly sa pag-unlad ng bayan ng Lobo, na ipinagpapatuloy ngayon ni Mayor Lota,” pahayag ni former Congressman Abu.

“Kay Mayor Vice Jurly, baunin mo ang aming mga panalangin at nawa’y sumaiyo ang kapahingahang walang hanggan,” dagdag pa ng dating opisyal.  

Nagpadala naman ng bulaklak bilang kanilang pakikiramay sina Sen. Alan Peter at Mayor Lani Cayetano, Sen. Lito Lapid at Mark Lapid, Sen. Grace Poe, Sen. Bong Go at Manila City Administrator Felix Espiritu.

Kinikilala bilang ‘Driver of Change’ ng bayan ng Lobo, ikinalungkot ng mga residente ang pagyao ng anila’y mahusay, dedikado at may pusong lingkod ng bayan. Sumakabilang-buhay si Vice Mayor Jurly sa edad na 75.

Sa Martes, August 27, ibabyahe pauwi ng bayan ng Lobo si Mayor Vice kung saan bubuksan sa publiko ang kanyang burol sa Ginga Farm, Brgy. Sawang. Sa Sabado naman, August 31, nakatakda ang Luksang Parangal sa town plaza para sa namayapang pangalawang punong bayan.

Susundan ito ng Banal na Misa sa St. Michael the Archangel Parish Church.| – BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BATANGAS -- Individuals transferring ownership of properties by way of succession would not need to pay for charges and interests for delayed payment of transfer taxes as the Sangguniang Panlalawigan acted on it with promptness, September 2. In a regular...
SAN JUAN, Batangas -- IN relation to the published Tropical Cyclone Bulletin Nr 08 issued by PAGASA as of 09:00 AM, September 02, 2024, the Philippine Coast Guard - San Juan Sub Station temporarily suspends voyages of all vessels/watercrafts...
NANAWAGAN si Balayan mayor JR Fronda sa publiko ng ibayong pag-iingat at kaagad na magreport sa kanilang barangay o sa kanilang rural health unit, o maging sa mga lingkod ng bayan, kung sakaling may makitang sintomas ng monkey...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -