31.1 C
Batangas

Bulkang Taal, bahagyang kumalma sa nakalipas na 24-oras

Must read

- Advertisement -

BAHAGYANG nanahimik ang bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras kumpara sa mga abnormalidad na ipinakita nito ng mga nakalipas na araw.

Sa ulat ng DOST-Phivolcs, umabot na lamang sa apat (4) na volcanic tremor na tumagal ng isa (1) hanggang labinlimang (15) minuto; at mahinang background tremor na nag-umpisa nang 7:15 ng gabi, ika-26 ng Marso 2021 na nagpatuloy at nagtapos hanggang kaninang 05:45 ng umaga.

Higit na malaki ang ipinagbago nito mula sa 302 volcanic earthquakes, kabilang ang isang daan at walumpu’t apat (184) na volcanic tremors na tumagal ng isa (1) hanggang labing dalawa (12) minuto at isang daan at labing-walo (118) na low frequency volcanic earthquakes noong sinundang araw ng Biyernes.

Samantala, mahinang pagsingaw, na may taas na dalawampung (20) metro, mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa Main Crater.

Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang sa 953 tonelada kada araw noong ika-27 ng Marso 2021. Huling nasukat sa lawa ng Main Crater ang mataas na temperatura na 71.8ºC noong ika-04 ng Marso 2021 at acidity na may pH 1.59 noong ika-12 ng Pebrero 2021.

Ang sukat ng ground deformation ng bulkan batay sa electronic tilt, continuous GPS at InSAR data ay nagsasaad ng marahan at patuloy na pamamaga ang kalakhang Taal magmula pa nang pagsabog ng bulkan noong Enero 2020.

Sa kabuuan, ang mga nabanggit na batayan ay maaaring nagsasaad ng patuloy na pagligalig ng magma sa di kalalimang bahagi ng bulkan.

Ang Alert Level 2 ay kasalukuyan pa ring nakataas sa Taal Volcano. Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI.

Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure, at ang paninirahan at pamamangka sa lawa ng Taal.

Ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan. Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat na humikayat sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo at umiitsang bato na maaaring idulot ng isang biglaang pagputok ng bulkan.

Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.|

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -