MULING nagkaroon ng phreatic eruption ang Bulkang Taal, ganap na alas 9:29 kaninang umaga na tumagal hanggang alas 10;33 ng umaga, Nobyembre 6.
Sa videong kuha ng Talisay Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (Talisay MDRRMO), kapansin-pansin ang pagbuga ng makapal na usok mula sa bulkan.
Mula sa naitalang 700 metrong taas ng katamtamang pagsingaw kahapon, mas malaking bulto ng usok at ibinuga ng bulkan kanina na napadpad sa timog-kanluran.
Bagaman at nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, ipinaaalaala ng mga otoridad na maaari pa ring maganap ang mga sumusunod:
- biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions
- volcanic earthquakes
- manipis na ashfall
- at ang pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas
Dahil dito, patuloy ang paalala sa publiko na nananatili pa ring ipinagbabawal ang
- Pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal
- At Paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.|
via Joenald Medina Rayos