31.7 C
Batangas

Bulkang Taal, nagbuga ng mainit na volcanic fluids, nananatili sa Alert Level 2

Must read

- Advertisement -

By BNN News Team

NANANATILI pa rin sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos itong magbuga o pagsingaw ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater kahapon ng umaga na umabot ng may 300 metro mula sa aktibong fumaroles sa bandang hilaga ng lawa ng Main Crater.

Sa ulat ng DOST – PHIVOLCS, patuloy na nagpapakita ng mga indikasyon ng maaaring patuloy na pagligalig ng magma sa di kalalimang bahagi ng bulkan, kabilang dito ang naitalang 383 volcanic earthquakes, kabilang ang 238 volcanic tremors na tumagal ng isa 1-12 minuto, 143 low frequency volcanic earthquakes, at low-level background tremor sa Taal Volcano Network sa nakalipas na 24-oras.

Photo grab from video posted by DOST-PHIVOLCS, Tuesday, April 13, 2021 @ 8:53A.M.

Umabot din sa humigit-kumulang 1,886 tonelada kada araw noong ika-12 ng Abril 2021 ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2. Huling nasukat sa lawa ng Main Crater ang mataas na temperatura na 71.8ºC noong ika-04 ng Marso 2021 at acidity na may pH 1.59 noong ika-12 ng Pebrero 2021.

Patuloy na nakakapagtala ng marahang pamamaga ng kalakhang Taal magmula pa nang pagsabog ng bulkan noong Enero 2020 batay sa electronic tiltcontinuous GPS at InSAR monitoring ng Phivolcs.

Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI.

Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastilafissure, at ang paninirahan at pamamangka sa lawa ng Taal.

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -