24.7 C
Batangas

Bulkang Taal, nasa Alert Level 2 na; HELP Centers on the go

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

MAHIGIT isang buwan makalipas ang pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 12, tuluyan nang makababalik sa kani-kanilang tahanan ang mga bakwit na residente ng ilang bayang nasa loob ng Danger Zone (DZ). Ito’y matapos ibaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang status alert ng bulkan mula Alert Level 3, Pebrero 14 ng umaga o eksaktong ika-20 araw mula ng ibaba sa Alert Level 3 noong Enero 26 mula Alert Level 4.

Sa pag-uwi ng mga bakwit, aasahan ng mga apektadong residente ang full activation ng mga Instant HELP Centers (IHC) na inianunsyo ni Gobernador HermIlando I. Mandanas kamakailan [Bulletin No. 5(4), Enero 28; Bulletin No. 7(5) , Enero 30; Bulletin No. 9(5), Pebrero 1] para siyang mangasiwa sa distribusyon ng mga kagyat na tulong gaya ng mga pangunahing pangangailangan ng mga nag-sisiuwing bakwit, at maging ng mga cash assistance para sa pagpapa-repair ng kanilang mga nasirang tahanan.

Kasama ring inaasahang ipatutupad ngayon ang distribusyon ng mga relief goods sa mga residenteng nagsiuwi na sa mga tahanang at maging sa mga bakwit na nanunuluyan sa mga evacuation center, kapwa sa loob ng 14-km radius DZ.

Kasabay nito, magtutuluy-tuloy rin naman ang paglalaan at distribusyon ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tubig, at gamot ng mga inilikas mula sa Volcano Island na ngayon ay nasa mga interim houses sa sa Barangay Talaibon sa bayan ng Ibaan, habang inihahanda pa ang kanilang magiging permanenteng resettlement area.

Nitong Biyernes ng umaga, Pebrero 14, ibinaba na ng Phivolcs ang alert status ng bulakn mula Alert Level 3 sa Alert Level 2 matapos magpakita ang bulkan ng maayos na pagbabago sa kondisyon nito, gaya ng paghina na ng usok na ibinubuga, pagbaba ng antas ng sulfur dioxide (SO2) emission at maging ang pagdalang ng mga volcanic earthquakes na sinyales ng pagbaba ng magmatic activities ng bulkan.

Sa kabila nito, nagbabala pa rin ang Phivolcs na hindi pa rin dapat maging kampante ang publiko sapagkat anumang oras ay may posibilidad pa ring maging mas aktibo ang bulkan at muling mag-alboroto ito at tumaas muli ang alert status ng bulkan.

Pahayag ni Ma. Antonia Bornas, hepe ng Monitoring and Eruption Prediction Division ng Phivolcs: “Hindi po ito nangangahulugan na hindi na maaaring magkaroon ng pagputok. Nandyan pa rin po ang panganib ng biglang pagputok ng bulkan.” | – BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Think about your family's future. What do you see? Perhaps it's your child graduating with flying colors from a top university, your dream business finally...
A Catholic bishop has lamented the continuing support for former President Rodrigo Duterte’s violent anti-drug campaign, which has led to a spike in the...
Social media has been awash with calls for silence. "Do not speak if you are not fully informed," they say. "Research first before you...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -