By JOENALD MEDINA RAYOS
AGONCILLO, Batangas โ BUNSOD ng patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Taal at paglawak ng mga apektadong lugar at paglaki rin ng pinsala, isinailalim na sa State of Calamity ang buong Lalawigan ng Batangas.
Sa mismong pulong ng Provincial Disaster and Risk Management Council (PDRRMC), hiniling ni Batangas governor at PRDDMC chairman Hermilando I. Mandanas kay Vice Governor Mark Leviste at sa buong Sangguniang Panlalawigan na magpasa ng ordinansa na nagsasailalim sa buong Lalawigan ng Batangas sa State of Calamity kasunod ng paglobo ng bilang ng mga apektadong mamamayan at pagdeklara ng state of calamity sa mga bayan ng Balate at Agoncillo, kapwa sa ikatlong distrito ng lalawigan.
Batay sa Memorandum Order No. 60, Series of 2019, maaaring ideklara ang state of calamity kapag nasa 15% ng populasyon ang nangangailangan ng dagliang tulong. Noon pa lamang alas-5:00 ng umaga ng Enero 13, nasa halos 14,000 katao na ang nakabakwit mula sa mga bayan ng Agoncillo, Balete, San Nicolas, Taal, Lemery, Laurel, Talisay, Cuenca, Alitagtag, Sta. Teresita, Mataasnakahoy, Lungsod ng Lipa at Lungsod ng Tanauan ang nagsilikas, samantalang patuloy na lumobo ito ng mga sumunod pang araw.
โDOST-PHIVOLCS strongly reiterates total evacuation of Taal Volcano Island and areas at high risk to pyroclastic density currents and volcanic tsunami within a 14-kilometer radius from Taal Main Crater. Areas in the general north of Taal Volcano are advised to guard against the effects of heavy and prolonged ashfall,โ pahayag pa ni Mandanas sa sulat sa Sangguniang Panlalawigan.
Dahil dito, kaagad na magagamit ng Pamalaang Panlalawigan ang 30% Quick Response Fund na nagkakahalaga ng P60.1-milyon upang kagyat na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga bakwit. Bahagi ito ng kabuuang Calamity Fund ng lalawigan para sa taong 2020.
Nanatili namang suspindido ang klase sa buoang Lalawigan ng Batangas at Cavite.
Dagli rin namang bumuhos din ang mga donasyon samantalang kagyat ding kumilos ang lahat ng Disaster and Risk Reduction units ng iba pang bayan at lungsod sa Lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna at Kalakhang Maynila.| – BALIKAS News Network