30.8 C
Batangas

‘Business as usual’ sa pagbabalik ni Mayor Reyes sa Malvar

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

MALVAR, Batangas – “BUSINESS as usual” sa munisipyo ng bayang ito ay tuluy-tuloy ang serbisyo simula pa nang makabalik sa kaniyang pwesto si Mayor Cristeta Reyes noong kalaghatian ng Disyembre matapos ang may ilang buwang suspensyon.

SI Mayor Cristeta Reyes habang nagbibigay ng mensahe sa kaniyang mga tagasuporta matapos ibaba ng Ombudsman ang desisyon sa kasong isinampa laban sa kaniya.|Photograb from GMA Newscast 24 Oras

Kaugnay nito, nagpapatuloy ang mga pangunahing serbisyong naiwan ni Reyes nang ibaba sa kaniya ng Office of the Ombudsman ang desisyon sa kasong isinampa laban sa kaniya kaugnay ng pagbili ng munisipyo ng lupang pag-aari ng kaniyang mga anak para pagtayuan ng Malvar National High School sa barangay Santiago.

Bago nagsara ang opisina noong Biyernes, Disyembre 14, ipinatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang utos ng korte na ibalik sa pwesto si Reyes, kasama sina Muncipal Budget Officer Yolanda F. Cabiscuelas at Municipal Treasurer Jeanette C. Fruelda  na magkakasamang sinampahan ng kasong Grave Misconduct, Dishonoesty at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Pahayag ng korte, isa-isang tinutukan ng mahistrado ang mga dokumentong isinumite ng magkabilang panig at ang salaysay ng bawat isa at dito nakita ng husgado na may dahilan upang baligtarin ang desisyon ng Office of the Ombudsman na nagpaparusa ng pagkakatanggal sa pwesto kay Reyes at panghabambuhay na diskwalipikasyon para tumakbo sa anumang posisyong halalin sa gobyerno.

Ayon pa sa Court of Appeals, sa ginawa ni Reyes na pagpayag na bilhin ang lupa ng kaniyang mga anak, mas matimbang ang pangangailangang tugunan ang hinihingi ng serbisyo na mabili ang lupa para pagtayuan ng gusali ng paaralan habang tinimbang din ang mga dokumento na nagsasabing hindi nagmalabis o umaksyon ang alkalde ng higit sa kaniyang kapangyarihan bilang punumbayan.

Kinatigan din ng korte ang paliwanag ng dalawa pang opisyal na sina Cabiscuelas at Fruelda na hindi nagsamantala ang punumbayan at ang proseso ng pagkakabili sa lupang nabanggit ay naaayon sa hinihingi ng batas at umiiral na mga patakaran sa pamahalaan.

Bumaba naman sa kaniyang puwesto si Acting Mayor Alberto Lat at bumalik sa pagka-bise alkalde sa pag-upong muli ni Reyes bilang punumbayan ng Malvar, Batangas.

Kaugnay nito, nakahabol namang makapaghain ng kaniyang kandidatura para sa reeleksyon sa pagka-alkalde si Reyes sa huling araw na itinakda ng Comelec para sa 2019 Synchronized National and Local Elections.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

The Bureau of Internal Revenue (BIR) has lauded the Department of Justice (DOJ) for filing 18 criminal charges before the Court of Tax Appeals...
PASAY CITY, Philippines — The second day of the 2025 PASUC Midterm Convention and General Assembly unfolded with powerful discussions aimed at deepening reforms in Philippine public...
WITH growing demand for finance professionals across South and Southeast Asia, ACCA (the Association of Chartered Certified Accountants) is set to host its flagship...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -