ISA pang aspirante ang naghain ng kandidatura sa pagka-gobernador ng Lalawigan ng Batangas sa darating na May 9, 2022 National and Local Elections.
Nitong Biyernes ng tanghali, nag-iisang dumulog sa Provincial Election Office si Praxedes Bustamante y Diola ng Lungsod ng Lipa
Sa kaniyang muling pagtakbo sa pagka-gobernador, sinabi ni Bustamante na kinikilala niya ang mga programa ni incumbent Governor Hermilando I. Mandanas, ngunit naniniwala siya sa kakayahan at hangarin ng bawat isa na makapaglingkod sa lalawigan.
Bago ito, tumakbo na si Bustamante sa pagka-gobernador noong 2019 elections at sa pagka bise-gobernador noong 2013 at 2016 elections.| – BNN