LIPA City – “MAGLABAN tayo nang patas at iwasan ang siraan sa pangangampanya. At sa mga nasa likod ng propaganda para pabagsakin ako, patunayan Ninyo ang mga ibinabato ninyo sa akin, at sa aking pamilya, at aatras ako sa labang ito!”
Ito ang mariing pahayag ng tumatakbo sa pagka-kongresista ng Lipa City Lone District na si Gng. Bernadette Palomares-Sabili, maybahay ni Usec Meynard Sabili na kasalukuyang chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).
Ang pagbwelta ni Gng. Sabili ay bilang reaksyon sa inilathala sa social media ng dating kolumnistang si Ramon Tulfo kaugnay naman ng diumano’y sumbong ng isang nagpakilalang Evelyn Cruz, na may-ari ng isang lagay na lupang pinamumugaran ng mga iskwater sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Sa post ni Tulfo, nagsumbong umano sa kaniya si Cruz ukol sa umano’y kawalang aksyon ni PCUP Chairman Sabili s a hinihinging pre-demolition conference report gayung nasa 20 taon ng aprubado ng Korte Suprema ang pagpapaalis sa mga nasabing iskwater.
Sumbong pa umano ni Cruz kay Tulfo, dalawang tauhan ng PCUP ang umano’y nakipag- usap kay Cruz na pipirmahan lamang ni Usec. Sabili ang naturang pre-demolition conference report kung papayag si Cruz na maibenta sa PCUP o mapapunta kay Sabili ang kalahati ng pinagbentahan kung ibebenta ito.
Ngunit taliwas sa mga alegasyon nina Cruz at Tulfo, nabatid na maging ang mga naunang pinuno ng PCUP ay hindi lumagda sa naturang dokumento sapagkat mismong mula sa Office of the President ang nagbawal dito.
Nabatid na noon pang Abril 22, 2023 ay nag-isyu si Atty. Anna Liza G. Logan, Deputy ES for Legal Affairs ng dokumento na nagsasaad na: “ x x x to refrain the Office of The Presidential Commission for Poor from conducting the pre-demolition conference x x x.” sapagkat may nakabinbin pang usapin sa korte ang naturang ari-arian.
Hindi rin totoo na inupuan ni Chairman Sabili ang request ni Cruz sapagkat naitalaga lamang sa tungkulin bilang Chairman ng PCUP si Sabili noong August 28, 2024. Iyon namang tinutukoy na dalawang PCUP Ambassadors na sina Donita S. Tapay at Rodolfo G. Banag at hindi narin konektado sa PCUP sapagkat ini-apoint sila ng Set-yembre 13, 2024 at natanggal din noong Setyembre 27, 2024.
Ipinagtataka naman ni Gng. Sabili kung bakit kailangang idawit siya sa usapin ng PCUP gayung hindi naman siya kawani nito. Ang paglalagay aniya ng kaniyang larawan at pagdawit sa kaniya ay malinaw na isang panggigipit at propaganda ng kalaban sa pulitika.
Samantala, sa isang pana-yam kay Gng. Sabili, nagbigay-reaksyon din siya sa hindi matapos-tapos na isyu ng pagkakautang ng Lungsod ng Lipa noong panahong nanunungkulan pa bilang alkalde si Usec. Meynard Sabili, at ang umano’y pagpapayaman ng mga Sabili sa mga panahong iyon.
Sa pagtatapos ng panunungkulan ng noon ay Mayor Meynard mula 2010 hanggang 2019 ay laging sinasabi ang naiwang utang ng Lungsod ng Lipa. Ngunit mariin ang pahayag ni Gng. Bernadette Sabil isa kaniyang mga katunggali sa pulitika.
“Patunayan ninyo na nag-utos si Chairman Meynard na makipag-negosasyon sa lupa ni Cruz para sa sariling interes, at aatras ako sa labang ito.”
At doon naman sa isyu ng utang ng Lipa, “kahit sino at aling lokal na pamahalaan ay nagkaka-utang, at natural lamang na kung long-term ang pagkakautang na ito ay may maiiwang utang na mamanahin ng kasunod na administrasyon, gaya rin ng mga naiwang utang ng mga sinundang administrasyon na binayaran naman ng panahon ng panunungkulan noon ni Mayor Meynard.”
Ang tinutukoy na utang na naiwan ng admnistrasyong Sabili ay ang ipinagpatayo ng Ospital ng Lipa na patuloy namang pinakikinabangan ng maraming Lipenyo hanggang ngayon.
Paghahamon ni Bernadette Sabili, sa dami ng mga developments sa Lungsod ng Lipa sa panahon na nanungkulan si Mayor Meynard, “maghanap sila ng kahit isang lupa o ari-arian na kaniyang binili dahil sa pagkakautang na iyan, kahit isang 100 sq. m. lamang, at pag napatunayan ninyo ay ako’y aatras sa labang ito.
Si Bernadette Sabili ay tumatakbo sa pagka-kongresista ng Lipa City Lone District. Katunggali niya sa labang ito si Ryan Christian Recto, anak ni Senador Ralph Recto; at sina Atty. Mario Panganiban at Rodel Lacorte.| – Balikas News