By JOENALD MEDINA RAYOS
TINIYAK ng Government Service Insurance System (GSIS) na nakahanda itong tanggapin ang mga application for calamity loans sa mga nagging biktima ng bagyong Tisoy.
Sa panayam ng BALIKAS News nitong Biyernes ng umaga, sinabi ni GSIS vice president for South Luzon Office, Rachel Toledo-Edjan, na isinisiguro nila na nakahanda ang GSIS na damayan ang mga kasapi nitong naging biktima ng bagyo.
Tiniyak rin ng opisyal na may sapat na pondo ang ahensya para tustusan ang mga tatanggapin nilang calamity loan applications at available na rin ang naturang pondo anumang oras.
Bukod dito, sinabi rin ng opisyal na kailangang may kaakibat na deklarasyon ng state of calamity sa lungsod o lalawigan kung saan nakatira ang aplikante sa calamity loan, bagay na dapat malaman ng mga konsernadong Sangguniang Panlungsod at Sangguniang Panlalawigan upang makapag-avail ang kanilang mga constituents ng nasabing calamity loans.|- BALIKAS News Network