28.7 C
Batangas

Calatagan seaweeds coop, tumanggap ng P3M dagdag-puhunan

Must read

- Advertisement -

In photo: Seaweeds production in the farm of ELFARCO in Calatagn, Batangas.

CALATAGAN, Batangas – KATUWANG ang Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture, iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang halagang PhP 3 Milyon sa Batangas Seaweeds Farmers Association (BASEFA) ng bayang ito sa panlalawigang kapitolyo, Setyembre 10,

Pinangunahan ang turn-over ng nasabing PRDP fund nina Batangas Gov. Dodo Mandanas at Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Officer Celia L. Atienza, na siya ring Investment in Rural Enterprises and Agricultural and Fishery Productivity (I-REAP) component head ng pamahalaang panlalawigan.

Sa pamamagitan nito, inaasahang makagagawa ng mahigit 200,000 kilo ng raw dried seaweeds ang nasabing kooperatiba, na makapagdaragdag sa kita ng seaweeds farmers ng hanggang 32%.

Dahil sa proyektong ito, napoprotektahan din ang karagatan mula sa iligal na pangingisda at iba pang mga mapaminsalang gawain dahil sa masusing pagbabantay ng mga kooperatiba sa kanilang kinukulturang gulamang-dagat o sea weeds.

Ang PRDP ay pinopondohan ng World Bank, pamahalaang nasyunal at ka-partner na LGUs, na obligadong maglabas ng counterpart fund para sa mga pagawain sa kanilang lokalidad.  Sa pamamagitan ng PRDP, inaasahang makapagtatayo ng isang plataporma ng gobyerno para sa makabago, climate-smart, and market-oriented na agri-fishery sector.| Louise Mangilin

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Think about your family's future. What do you see? Perhaps it's your child graduating with flying colors from a top university, your dream business finally...
A Catholic bishop has lamented the continuing support for former President Rodrigo Duterte’s violent anti-drug campaign, which has led to a spike in the...
Social media has been awash with calls for silence. "Do not speak if you are not fully informed," they say. "Research first before you...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -