26.7 C
Batangas

Canadian volunteer nagturo ng entrepreneurship sa kooperatiba sa Batangas City

Must read

- Advertisement -

SUMAILALIM sa dalawang linggong mentoring ang humigit-kumulang sa 30 myembro ng Batangas City Rural Improvement Club Marketing Cooperative (BCRICMC) sa Canadian Executive Services Overseas (CESO), isang volunteer organization na nagbibigay ng libreng pagtuturo sa mga small and medium enterprises sa bansa.

Ito ay isang registered national and international development charity ang nagsimulang mag-operate noong 1967. Ang organisas-yon ay may Canadian volunteers na nakikipagtrabaho sa public at private sectors upang makapagturo tungkol sa strategic planning, business development, accounting and finance, organizational development, community development, governance at production and operations.

Ayon kay Chris Stoate, CESO volunteer advisor, “our objective is find areas of improvement to help independent women entrepreneur to become more autonomous and successful.”

Ito ay isang outreach program ng External Affairs – Foreign Affairs Department ng Canada at pinopondohan ng Canadian government.

Sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI), napili ang BCRICMC upang maging beneficiary ng proyekto ng CESO. Ang nasabing kooperatiba ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Cooperative Division ng OCVAS. Ang Rural Improvement Club (RIC) ay samahan ng mga kababaihan sa lungsod na nagsimula ng maliit na negosyo sa kanilang barangay.

Ayon kay Stoate, gumagamit siya ng Theory of Constraints framework kung saan inaalam kung ano ang nakaka-limit sa business profit growth sa kasalukuyan at SWOT analysis upang i-assess ang bawat isang supplier. Ang SWOT ay acronym na tumutukoy sa Strengths: product quality, production capacity, willingness to learn at desire to improve; Weaknesses: sales, accounting and forecasting to justify investments or raise funds; Opportunities: pricing, packaging upgrades, promotion, FDA, on lines sales at delivery; Threats: cash flow, hygiene, false claims.
“Everything starts with the customer, so the entrepreneurs need to understand the customer, know what they want, why they buy, where they buy and understand and go find more of them,” sabi ni Stoate.

Idinagdag naman ng hepe ng OCVAS na si Dr. Macario Hornilla na pagtuunan ng pansin ang packaging ng kanilang produkto upang mas maraming consumers ang tumangkilik nito at mas makilala ang mga produkto ng lungsod.|- Agnes Ronnalisa E. Contreras

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -