NAGING matindi ang epekto ng pandemic sa mga pamilya at komunidad sa bansa hindi lang dahil sa takot na naramdaman ng marami mula sa banta ng COVID-19 kundi pati na rin sa epekto nito sa kabuhayan. Maraming nagsarang negosyo at maraming nawalan ng trabaho. At yun namang mga kumikita pa rin, hindi makapag-withdraw ng cash dahil pinatigil ng mga lockdown ang pampublikong transportasyon.
Mabuti na lamang at andiyan ang mga Cash Agad partner agents, naka-antabay para matugunan ang banking needs ng bawat Pilipino sa gitna ng pandemya. Naapektuhan man ang sila noong nagdeklara ng community quarantine, sila naman ay nakatulong sa barangay, nakakabawi at patuloy pang bumabangon upang muling umunlad ang kanilang mga negosyo.
Ang network ng Cash Agad partner agents ay binubuo ng mga maliliit na negosyante sa Luzon, Visayas, at Mindanao na nagpapatakbo ng sebisyong Cash Agad sa kani-kanilang komunidad. Layunin ng sebisyong ito na bigyan ng access sa cash ang mga malalayong komunidad, lalo na ang mga liblib na lugar, mga lugar na kailangan pang umakyat ng bundok o tumawid ng dagat.
Ang Cash Agad ay solusyon mula sa BDO Unibank na kung saan ang pinakamahahalagang serbisyo ng bangko – tulad ng withdrawal at balance inquiry – ay nakakarating sa isang liblib na lugar nang hindi na kinakailangang magpatayo pa ng isang branch o maglagay ng ATM.
Tindahan na, ATM pa
Ang may-ari ng isang tindahan (pwede ring salon, drugstore, hardware store, etc.) ay maaaring maging Cash Agad partner agent na seserbiyso sa isang komunidad. Dahil ang negosyanteng ito
ay matagal nang bahagi ng komunidad, malapit ang pwesto, kilala at pinagkakatiwalaan, mas madali sa mga tao na sa kanya lumapit para kunin ang kanilang pera.
Kapag naging Cash Agad partner agent, ang may-ari ng tindahan ay bibigyan ng POS terminal na may kakayanang tumanggap ng mga transaksyon gamit ang Philippine-issued ATM card, mapa-debit o prepaid man ito. At kahit pa BDO Unibank ang nagpapatakbo sa Cash Agad, tinatanggap ng POS terminal ang mga ATM cards ng lahat ng bangko sa Pilipinas.
Cash Agad at mga LGUs
Isa pang maganda sa Cash Agad ay hindi ito nakadepende sa oras ng bangko. Habang bukas ang tindahan ng Cash Agad partner agent, pwede mag-transact dito. Yun nga lang, binago lang ang mga schedule ngayon dahil sa pandemic at community quarantine. Ang mga lokal na opisyal ang nagbibigay ng schedule kung kelan pwede mag- withdraw sa isang tindahang may Cash Agad. Ito ay para masigurado ang physical distancing at kaligtasan ng bawat partner agent at mga customers nito.
Maging ang mga LGU ay umaasa rin sa Cash Agad para maparating sa mga nangangailangan ang mga supporta ng gobyerno. Halimbawa, ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay sa Cash Agad na nagwi-withdraw ng kanilang monthly cash assistance. Ang mga IPs o indigenous people din ay tumatanggap ng kanilang cash assistance at iniwi-withdraw dito. Lahat ng ito ay naging posible dahil sa pagtutulungan ng Cash Agad at LGU.
Maski ang mga empleyado ng munisipyo, mga pulis, at mga teacher sa isang lokalidad ay sa Cash Agad na nagpupunta para makuha ang sweldo nila. Ang mga pribadong empleyado, mga pamilya ng OFWs, lahat sila ay pwedeng sa Cash Agad na mag-withdraw.
Ito ay malaking ginhawa para sa kanilang lahat dahil noong nagkaroon ng mga lockdown at checkpoints, hindi na makaalis ang maraming tao sa kani-kanilang baranggay para magpunta sa mga dati nilang dinadayong mga bangko at ATM na malayo.
Tulong sa negosyo
Ayon kay Lorna Taruc, may-ari ng Jan Pau convenience store at Cash Agad partner agent sa San Simon, Pampanga, malaking tulong sa negosyo niya at sa komunidad niya ang Cash Agad.
“Malaking convenience para sa mga tao yung dito na lang sila sa tindahan magwi-withdraw ng cash. Hindi na nila kailangan magbiyahe ng malayo. Lalo na noong lockdown ang hirap kumuha ng sasakyan. Bukod dito, dumami rin ang customer sa tindahan ko.
Ayon naman sa isa pang Cash Agad partner agent, si Roselyn Abela ng Pitogo, Bohol, maraming natakot lumabas ng lugar nila noong nagkaroon ng community quarantine dahil nabalitaan nilang may mga Covid positive doon sa bayan kung saan sila pumupunta para mag-bangko at mag-ATM.
Ang bayan na ito ay napakalayo sa Pitogo. Sasakay pa ng habal-habal tapos tatawid ng dagat gamit ang lantsa sa kabilang isla. Tapos habal-habal na naman. Aabutin ng kalahati hanggang isang araw para lang makapag-bangko o ATM. At mga limandaang piso ang gastos sa pamasahe kung balikan.
“Kaya noong nagkaroon ng quarantine, nagpasalamat ang mga tao sa lugar namin dahil may Cash Agad ako sa tindahan ko. Dito na sila nagwiwithdraw. Tapos, dito na rin sila bumibili ng mga kailangan nila pagkatapos mag-withdraw kaya nadadagdagan ang kita ko,” sabi ni Roselyn.
Financial inclusion
Ayon kay Jim Nasol, Head of Agency Banking (Cash Agad) ng BDO, ang pagkakaroon ng mga Cash Agad partner agents sa mga liblib na lugar ay matagal nang plano ng bangko. Ito ay dahil sa pagnanais nito na mapalaganap ang pag-unlad sa mga kanayunan sa buong Pilipinas.
“Maraming mga Pilipino ang masipag, matalino, mapagsumikap, at nangagarap na mapabuti ang kanilang kabuhayan. Kaya lang, napipigilan sila ng kawalan ng access sa cash at kapital. Marami ang mga Pilipinong nahihirapan pagkasyahin ang pera dahil dun pa lang sa pagkuha ng cash, mahabang oras at malaking gastos ang kailangan.
“Ang mga Cash Agad partner agents natin ang nagiging daan para mapalaganap ang financial inclusion, o yung mapalawak ang sakop ng mga serbisyong pinansyal. Nakikita natin sa mga lugar tulad ng Pitogo na malaki ang nagagawa ng financial inclusion para mabigyan ng magandang buhay ang mga Pilipino sa malalayong komunidad,” paliwanag niya.
Dagdag pa ni Arnold Katipunan, Head of Sales ng Cash Agad mula sa BDO, lalong mahalaga ang financial inclusion at access sa cash ngayong panahon ng pandemic, kung kailan maraming mga tao at negosyo ang kailangang bumangon mula sa epekto ng krisis sa kalusugan at ekonomiya.
Patuloy pa rin ang pagdami ng mga Cash Agad partner agents sa bansa. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Cash Agad, puntahan ang BDO website http://www.bdo.com.ph/cash-agad o kaya ay magpadala ng email sa [email protected]. –advt