31.1 C
Batangas

Cash incentives, panukalang ipagkaloob sa higit na nakatatandang Batangueños

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – ISINUSULONG ngayon ng dalawang lokal na mambabatas sa Lalawigan ng Batangas na lalong maipadama sa higit na mga nakatatandang Batangueño ang pagkalinga ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng cash incentives.

Sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong Lunes, magkatuwang na inihain nina 2nd District Board Member Arlina Magboo at 3rd District Board Member Jhoanna C. Corona ang panukalang Ordinance Granting Cash Incentives to Senior Citizens in the Province of Batangas and for Other Purposes.

Kasunod nito’y kagyat na nagpatawag ng pagdinig si Acting Vice Governor, Senior Baord Member Ma. Claudette Ambida, tagapangulo ng Committee on Specially Abled Persons and Elderly, upang mapag-aralan ng mga konsernadong ahensya at kagawaran ng pamahalaang panlalawigan ang panukala.

Nakapaloob sa panukalang ordinansa ang pagbibigay ng cash incentives sa mga senior citizens na may edad 90 taong gulang pataas, depende sa kanilang age bracket.

Sa kasalukuyan, mayroong hindi bababa sa 6,293 katatandang Batangueño ang may edad na 90 anyos pataas. Nasa mahigit 1,200 ang may edad 90 hanggang 98 anyos, samantalang nasa 200 katao naman ang masuwerterng nakaabot sa edad na 99 taong gulang o higit pa.

Sa ilalim ng panukalang ordinansa, tatanggap ng tig-P30,000 cash incentive ang may edad 90 pataas, at P50,000 naman ang may edad 99 pataas, na tatanggapin naman nila sa araw ng kanilang kapanganakan. Bawat isang makaabot sa 100 taon ay tatanggap ng karagdagang P20,000 sa bawat sunod na taon bilang birthday gift.

Bagaman at hindi kaagad nagbigay ng pagsang-ayon ang mga kasapi ng Batangas Province Finance Committee bunsod ng pangambang kukulangin ang pondo ng pamahalaan o wala pang sapat na pondo para rito, hindi naman umano ito magiging sagabal para hindi mapagtibay ang ordinansa sa hinaharap at makapagbigay ng cash incentives sa mga higit na nakatatandang pangunahing mamamayan.

“Naniniwala po ako na kapag napag-aralan na ng ating Finance Committee kung magkano ang kayang maipagkaloob ng probinsya ay mabibigyang-daan din na may matanggap ang ating mga kababayang masasabing nasa advanced age na,” pahayag pa ni Magboo.

Aniya pa, maging si Gobernador Hermilando I. Mandanas ay nagpahayag ng mainit na suporta sa panukalang ito at kinumpirma ang kaniyang determinasyong maglaan ng pondo para rito. Kabuuang P1-milyong piso ang unang panukalang aproprasyon para sa pagpapatupad ng programa na maaari namang maragdagan taun-taon, depende sa kakayahang ipagkaloob ng pamahalaang panlalawigan.| – BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -