‘SHARING sweet moments in paradise’ ang celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Baretto nitong nakalipas na weekend sa El Nido, Palawan.
Sa mga larawang kuha sa katatapos na bakasyon ng dalawa na kapwa naka-post sa kani-kanilang Instagram accounts, kapansin-pansin ang enjoyment ng celebrity couple.
Mukhang nag-enjoy talaga sila sa beautiful sceneries gaya ng mga rock formations na siyang background ng kanilang ibinahaging snap shots, at ang hindi pahuhuling beaches ng El Nido.
Sa isang post, halatang super enjoy si Gerald sa kaniyang caption na “Somewhere between the sky and the ocean, I found paradise.” na umani naman ng napakaraming comments at reactions.
Simpleng “Beautiful day..” lang naman ang caption ni Julia sa kaniyang post.