25.9 C
Batangas

Citihood Charter ng Sto. Tomas, pirmado na; plebisito, isusunod na

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

STO. TOMAS, Batangas – HIGIT na benepisyo at kaunlaran ang inaasahang matatamasa ng sambayanang Tomasino sa tuluyang pagiging syudad ng kanilang munisipyo.

Ito ang tiniyak ni Vice Mayor Armenius Silva sa panayam ng BALIKAS News matapos tuluyang lagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Republic Act No. 11086 o ang Act Converting the Municipality of Sto. Tomas in the Province of Batangas into a Component City to be known as the City of Sto. Tomas noong Oktubre 5, 2018 at inilathala ng Official Gazette noong Oktubre 13. Ang nasabing batas ay nakapasa sa Senado at sa Mababang Kapulungan noong Hulyo 23, 2018.

Si Vice Mayor Armenius Silva (kanan) habang kinakapanayam ng BALIKAS News publisher Joenald Medina Rayos, Oktubre 15.|KUHA NI GHADZ RODELAS

Dahil sa tuluyan na ngang naging batas ang kumbersyon ng Sto. Tomas para maging isang lunsod, mangangahulugan ito ng mas marami pang serbisyong sa edukasyon, kalusugan at iba pang pangunahing serbisyo para sa mga Tomasino sapagkat ang real property tax ng Sto. Tomas ay hindi na ireremit sa pamahalaang panlalawigan.

Upang maging ganap ang pagiging lunsod, magsasagawa na ng plebisito ang Commission on Elections (COMELEC) para malaman ang magiging pagsang-ayon o pagtutol ng mga mamamayan.

“Mayroon ng sapat na budget ang pamahalaang lokal ng Sto. Tomas para sa plebisito at ito ay ayon sa itinakda ng COMELEC,” pahayag pa ni Silva.

Kapag tuluyan ng naging lunsod ang Sto. Tomas, madaragdagan ng dalawa (2) ang mga kagawad ng magiging Sangguniang Panlunsod. Ayon kay Silva, ang mga ito ay hihirangin mula sa mga makakakuha ng ika-9 at ika-10 may mataas na boto sa darating na halalan.

Samantala, kung tuluyang magiging lunsod ang Sto. Tomas bago sumapit ang May 2019 elections, lahat ng mga mahahalal sa ikatlong termino ay hindi na maaaring kumandidato sa katulad na posisyon sa susunod na halalan (o sa 2022) bagaman at sila ay magiging mga city officials na sa 2019.

Naniniwala naman si Vice Mayor Silva na malaki ang kumpiyansya ng sambayanang Tomasino sa liderato ni Mayor Edna Sanchez na siyang magtatawid sa bayan ng Sto. Tomas tungo sa isang pagiging ganap na lungsod.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
MANILA, Philippines — THE U.S. Embassy in the Philippines will open a new Visa Application Center (VAC), launch an updated visa appointment system, and expand call center services to U.S. citizens in the Philippines starting on September 28. The new...
TANAUAN City -- TUMINDIG at nanindigan ang mayoriya ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan City na harangin ang panukalang Php 615.7-milyong Supplemental Budget na anila’y hindi tamang paggastos ng pondo ng bayan. Sa regular na sesyon ng Sanggunian nitong Martes, Agosto...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -