ILANG araw na lang ang nalalabi ay matatanggap na ng mga kwalipikadong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kanilang bonus!
Inihayag ni Governor Hermilando I. Mandanas na pinoproseso na ang paghahanda ng pag-release ng naturang bonus sa ilalim ng Collective Negotiation Agreement (CNA). Aabot sa tig-P30,000 ang kabuuang CNA-bonus na matatanggap, depende sa estado ng pag-eempleyo.
Kabilang sa mga makatatanggap nito ang lahat ng mga regular o permanente, mga casual at mga co-terminus employees.
Hindi naman kabilang sa mga makatatanggap ng CNA-Bonus ang mga “job order” workers sapagkat hindi sila miyembro ng unyon ng mga kawani.
Samantala, inaasahan namang isusunod na rin ang pagproseso ng Productivity Enhancement Incentive (PEI) sa susunod na linggo.
Ang pagbibigay ng PEI ay naglalayong maisulong ang pagtataas ng antas ng paglilingkod ng mga kawani ng pamahalaan.
Bagaman at karaniwang ang ibinibigay ay P5,000 bawat empleyado, maaaring mabawasan o mapababa ito kung walang sapat na pondo ang isang ahensya o yunit ng pamahalaan para ibigay ang naturang PEI bonus.|