29.5 C
Batangas

Curfew at liquor ban, ibabalik sa Ibaan mula Martes

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

MULING ibabalik ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew at liquor ban sa bayan ng Ibaan, Batangas, mula bukas, Marso 23 hanggang Abril 4.

Ito ang inianunsyo ni Mayor Edralyn Joy Salvame sa kaniyang live message sa kaniyang social media page Lunes ng tanghali kasunod ng naging pulong ng municipal inter-agency task force (MIATF), Lunes ng umaga.

Ayon sa alkalde, alam niyang marami ang maiinis at mamomroblema sa paghihigpit na ito ngunit ito ang nakikitang isang mabisang gawin bilang pananggalang ng lokal na pamahalaan sa matinding banta ng muling paglobo ng kaso ng covid-19 sa bayan ng Ibaan.

Ipatutupad ang curfew mula alas-10 ng gabi hanggang alas-singko ng umaga, kung kaya’t magtatalaga muli ng mga checkpoints sa mga estratihikong lugar. Hindi naman saklaw ng curfew ang mga emergency cases, at mga mangagawa na papasok o pauwi na galling sa kanilang workplaces, ngunit kailangang magpakita ng kailangang identification cards o dokumento hinggil dito.

Samantala, 24-oras namang ipatutupad ang liquor ban sa buong nasasakop ng munisipyo hanggang Abril 4. Sakaling may mahuling lumabag sa liquor ban, sasamsamin aniya ng pulisya ang mga alak na mahuhuling ibinebenta.

Panawagan ng alkalde, kailangan ang ibayong kooperasyon ng taumbayan para matiyak na magiging matagumpay ang panibagong kampanyang ito ng pamahalaang lokal.

“Ito ay simbolo ng maigting na paalala, na kailangan ang inyong maigting na pang-unawa, cooperation sa pagpapatupad ng ating mga polisiya upang tayo’y makatiyak na ligtas sa banta ng CoVid-19,” pahayag pa ng alkalde.

Mahigpit din aniyang ipatutupad ang home isolation sa mga magpopositibo sa virus. Aniya’y magkakaroon ng sadyang nakatalagang municipal isolation facility kung saan ay maglalaan ang munisipyo ng lahat ng mga pangangailangan sa pagkain at batayang pangangailangan ng mga magpopositibong pasyente.| – bnn

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Social media has been awash with calls for silence. "Do not speak if you are not fully informed," they say. "Research first before you comment," they insist. At first glance, staying silent seems wise, but beneath it lurks dangerous...
From Apple Original Films and the filmmakers from "Top Gun: Maverick" comes the high-octane, action-packed feature film F1®, starring Brad Pitt and directed by Joseph Kosinski. The film is produced by Jerry Bruckheimer, Kosinski, famed Formula 1® driver Lewis...
Scientists from the University of the Philippines – Diliman College of Science (UPD-CS) have pioneered a simpler, faster, cheaper, and more eco-friendly method to fabricate gold nanocorals by using natural, low-cost acids in water at room temperature. Gold nanostructures have...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -