SA eroplano sumakay si P-Duterte sa kanyang pagdayo sa Jordan at Israel. Panalangin da ni VP Leni Robredo na sana’y ligtas sa sakuna ang eroplano. Eroplano lang hindi kasama si Duterte.
Bakit daw binawi ng pangulo ang amnesty ni Senator Trillanes. Sagot ni P-Digong, ”He is not giving me a rest so I ordered his arrest!”
Kapag bumaha ang imported rice ay apektado ang ating mga magsasaka. Jackpot ang mga komunista, kasi sasapi na lang daw sila sa NPA at hihiwalay na sa NFA.
Ang magsasaka ay kakambal ng gobyerno. Kapag bumagsak ang mga magsasaka ay bagsak din ang gobyerno.
Agree daw si Agriculture secretary Manny Pinol na gawing legal ang rice smuggling, para daw mapigil ang ang pagtaas ng presyo ng bigas. Hindi rin mapigil ang illegal drugs, murder, rape at iba pang krimen. Ang tanong kay Manny Pinol, ”Gagawin din kayang legal ito?” Agri o dis-agri-?
Pinatatanggal ni Senator Ping Lacson ang P16 bilyong pork barrel ng DPWH. Sobra na! Tama na ang kurakot!
Tinatalakay na ng mga mambabatas ang 2019 budget ng gobyerno. Tinataya na nila ang kanilang nadudugas next year.
Isang street vendor ang ating Asian board skating gold medalist. Si Pacquiao ay dati lang maglalako ng pandesal.
Wala pa raw abogado na nakapag-ambag ng gold medal sa Pinas. Ang ibig sabihin ay hindi lang abogado ang dapat konsultahin sa paglikha ng Konstitusyon. Pwedeng konsultahin kahit street vendor.
Nagpatutsada uli si P-Digong na siya ay sick at tired of listening to Joma. Aminado talaga siya na siya ay pagod na ay maysakit pa!
Namomonopoliya ng mga rice smuggler ang supply ng bigas ngayon. Kasi kapag hindi sila nag-smuggle ay marami ang magugutom. Sabagay, matagal na ang rice smuggling. Kahit anong pagkilos ng Palasyo ay nagpapalit lang ng kolektor ng tara at payola.
Lagyan lang ng skyway kahabaan ng Roxas Boulevard, Quezon Avenue, Roosevelt Avenue, Commonwealth Avenue at Congressional Area ay seguradong luluwag ang trapiko. Ang solusyon sa trapiko ay dagdag-kalsada at hindi bawas-sasakyan. Di ba?
P70 na raw ang kilo ng bigas sa palengke, kaya hindi na makabili ng pang-ulam ang mahirap na mamamayan. Sabagay, may tinda rin namang asin. Maglugaw na lang!
5 milyon daw ang adik at tulak sa bansa, pero 30,000 pa lang ang napapatay. Kung sila ay imamasaker ay saan kaya sila ililibing? Natatandaan ko tuloy ang pahayag ni yumaong Tanauan City Mayor Thony Halili dahil sa kabi-kabilang patayan sa lungsod na ang mga adik at pusher ang biktima. Aniya’y hindi ang kanilang kamatayan ang solusyon kundi repormasyon na kung saan ay binalak niyang magpatayo ng rehabilitation center dahil sa sobrang sikip na ang Tanauan City Jail. Ang kakatwa ay ibinibintang bilang isyu kontra sa kanya ang pagkamatay nang halos 150 adik at pushers sa unang termino niya bilang mayor. At bago siya namatay ay kinakampihan pa niya ang adik at pushers. Sobra talaga at nakakahilo ang pulitika!
Wala namang relihiyon ang kumukunsiti sa mga adik , pero bakit kaya sangkatutak pa rin sila? Kung si Satanas, seguro ang magtatayo ng sekta ng relihiyon ay baka milyon din agad ang myembro. Magkakaroon ng Iglesia ng Demonyo na ang ostiya ay ecstasy o shabu kasabay ang malakas at mataas na tono ng pag-awit ng rap dahil high na high din ang mga deboto. Kailan kaya masusugpo ang problemang ito sa droga na hindi lamang sa Pinas kundi sa buong mundo. Nakakaawa ang mga millenials.
Inalala ng mga Pinoy ang kapanganakan ni dating yumaong Pangulong Ramon Magsaysay na namatay dahil sa pagbagsak ng kanyang eroplano. Ayon kay P-Digong ay possible ring bumagsak ang helicopter niyang galing sa Amerika. At kung mamatay siya ay mga Amerikano raw ang suspek.
Aangkat pa raw ng galunggong ang mga Pinoy. Aangkat sila sa loob ng Bureau of Customs. Haynaku!
Maraming humihiling na huwag buwagin na ang NFA. Kailangan daw ito sa rice smuggling!
Gagawing pribado na raw ang NFA. Matagal nang kontrolado ng mga pribadong rice traders ang NFA.
Sa dami ng consignees ng shabu na pinalusot sa Customs ay wala pang nahuhuli. Meron daw isa sana, pero inalbor daw ni Paolo Duterte?|